UMAPELA ng panalangin ang pamilya ng namayapang dating aktor na si Dick Israel.
Ito’y dahil bukod sa pagkamatay ni Dick sa edad na 68, lumabas ang ulat na kritikal ang kondisyon ng kanyang misis na nagkaroon siya ng tatlong anak.
Ayon sa kaibigang aktres na si Nadia Montenegro, nasa intensive care unit ng isang ospital sa Makati ang biyuda ni Dick makaraan ma-comatose.
“Si Tita ang nagtakbo sa ospital noong Wednesday night because she had aneurysm, so she’s in a coma right now sa ICU sa Makati,” saad ni Montenegro sa isang panayam.
Si Dick ay pumanaw dakong 8:00 pm kamakalawa makaran sumuka ng dugo sa kanilang bahay sa Comembo, Makati.
Ilalagak ang kanyang labi sa St. Peter’s Chapel sa Araneta Avenue.