PATAY ang isang ginang habang kritikal ang kalagayan ng kanyang kasama makaraan mabundol ng isang pampasaherong jeep habang tumatawid kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.
Agad binawian ng buhay si Joebelle Apruebo, ng Amparo Subdivision ng nasabing lungsod, habang kritikal sa Tala Hospital si Mely Serrano, 55-anyos.
Arestado ang driver ng jeep na si Randy Ramos, 42, ng Zone 2, Brgy. Graceville, San Jose Del Monte, Bulacan, nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide and serious physical injuries.
Batay sa ulat ni Traffic Enforcer Joselito Rodica, dakong 10:40 pm nang maganap ang insidente sa Quirino Highway, Bankers Village, Brgy. 184 ng nasabing lungsod.
( ROMMEL SALES )