NAKATAAS ang initial flood alert sa Zambales dahil sa malakas na buhos ng ulan na nararanasan.
Ayon sa ulat ng Pagasa, itinaas nila ang yellow rainfall alert dahil kahapon ng umaga pa nakapagtala nang malakas na ulan sa nasabing lalawigan, pati na sa karatig na mga lugar.
Apektado rin ng thunderstorm ang ilang parte ng Bataan, Bulacan, Pampanga, Batangas, Cavite at Metro Manila.
Dahil dito, asahan ang malakas at biglaang pagbuhos ng ulan na maaaring tumagal ng hanggang tatlong oras.
Nabatid na dulot ito ng habagat na pinalakas ng nagdaang bagyong Julian.