Tuesday , March 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

86-anyos lola patay sa sunog

CEBU CITY – Hindi nakalabas nang buhay ang isang 86-anyos lola nang ma-trap sa loob ng kanyang nasusunog na bahay sa Brgy. Malolos, bayan ng Barili kahapon.

Ayon kay FO1 Dennis Villa sa Barili Fire Station, nagluluto ang biktimang si Dionisia Empinado nang mangyari ang insidente.

Sinasabing napansin na lang ng mga kapitbahay ng biktima na lumiyab ang bahay ng matanda.

Natagpuang sunog ang katawan ng biktima sa loob ng kanyang bahay na pinaniniwalaang hindi agad nakalabas dahil mahina na dala ng katandaan at panglalabo ng mga mata.

Pinaniniwalaan ng mga bombero na nahulog ang baga sa uling na ginamit sa pagluto ng biktima dahilan nang pagliyab ng apoy.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Philip Conrad Acop Comelec

Anak ng namayapang Rep. Acop wagi sa special poll sa Antipolo City

IPRINOKLAMA si Philip Conrad Acop, anak ng yumaong si Rep. Romeo Acop, na dati rin …

031626 Hataw Frontpage

Kuwintas pinitas
SECURITY ESCORT NI MAYOR ISKO, TODAS SA RIDING IN TANDEM

HATAW News Team PATAY ang isang security escort ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso …

Scam fraud Money

Scammer na ex-brgy. admin, timbog

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang isang dating opisyal ng barangay na may kinakaharap …

Norzagaray Bulacan police PNP

Top 10 MWP sa Norzagaray, arestado sa kasong statutory rape

NAARESTO ng mga operatiba ng Norzagaray Municipal Police Station ang isang lalaki na nakalista bilang …

SM Sparklo Reverse Vending Machines

SM Introduces Sparklo Reverse Vending Machines to the Philippines for the First Time Ever

SM Supermalls and Sparklo executives formalize their partnership during the official launch of Sparklo’s reverse …