NAYANIG sa magnitude 4.5 lindol ang Samar at Leyte bandang 3:09 am kahapon.
Batay sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology, tumama ang lindol 48 kilometro sa hilagang-silangan ng Catbalogan, Samar.
May lalim na 36 kilometro ang naturang lindol at tectonic ang ori-gin.
Naramdaman din ang pagyanig sa ilang bayan sa Northern Samar, Eastern Samar, Tacloban City, Borongan City, at ilang bayan sa Leyte.
Nagbabala ang Phivolcs sa posibleng pagkakaroon ng aftershocks mula sa lindol.
Walang naiulat na nasaktan sa insidente.