Tuesday , March 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘Mangkukulam’ itinumba sa ComVal

DAVAO CITY – Patay ang isang 72-anyos lola nang pagbabarilin makaraan akusahan na isang mangkukulam sa Purok 5, Matilo, Nabunturan, Compostella Valley Province kamakalawa.

Hustisya ang sigaw ng pamilya ng biktimang si Pilagia Curimatmat, 72, biyuda, binaril ng hindi nakilalang suspek.

Ayon sa anak ng biktima na si Sherly Curimatmat Sanchez, nabigla siya nang makarinig nang sunod-sunod na putok ng baril sa likod ng kanilang bahay.

Sinasabing bago nangyari ang krimen, may nakausap ang kanyang ina ngunit hindi nakita ang mukha dahil madilim ang paligid.

Napag-alaman mula kay Sherly, inakusahan ang kanyang ina na mangkukulam na kanyang mariing itinanggi.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Philip Conrad Acop Comelec

Anak ng namayapang Rep. Acop wagi sa special poll sa Antipolo City

IPRINOKLAMA si Philip Conrad Acop, anak ng yumaong si Rep. Romeo Acop, na dati rin …

031626 Hataw Frontpage

Kuwintas pinitas
SECURITY ESCORT NI MAYOR ISKO, TODAS SA RIDING IN TANDEM

HATAW News Team PATAY ang isang security escort ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso …

Scam fraud Money

Scammer na ex-brgy. admin, timbog

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang isang dating opisyal ng barangay na may kinakaharap …

Norzagaray Bulacan police PNP

Top 10 MWP sa Norzagaray, arestado sa kasong statutory rape

NAARESTO ng mga operatiba ng Norzagaray Municipal Police Station ang isang lalaki na nakalista bilang …

DOST SOCCSKSARGEN Joins Preparatory Meeting for NSTW 2026

DOST SOCCSKSARGEN Joins Preparatory Meeting for NSTW 2026

 As the next host of the National Science and Technology Week 2026, the Department of …