Saturday , November 23 2024

Duterte ‘very good’ sa survey

NAKAKUHA si Pres. Rodrigo Duterte ng net satisfaction rating na plus 64 sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), na tanda ng tagumpay niya sa unang 100 araw ng paglilingkod bilang pangulo ng bansa.

Para sa kaalaman ng lahat, ang net satisfaction rating na plus 64 sa SWS ratings ay katumbas ng gradong “very good.” Sa madaling salita ay marami talaga ang kontento sa trabaho ng Pangulo.

Sa 1,200 kinapanayam sa survey na isinagawa noong 24-27 Setyembre, ang 76 porsiyento ay nagpahayag ng pagkakontento sa mga ginagawa ni Duterte samantala 11 porsiyento ang hindi kontento. Ang 13 porsyento naman ay hindi makapagdesisyon sa kanilang isasagot. Sa 76 porsiyento ng mga satisfied ay ibinawas ang bilang ng mga hindi kontento kaya nakuha ang resulta na plus 64.

Mas maganda ito kaysa plus 60 na nakuha ni dating Pres. Noynoy Aquino sa survey na isinagawa sa pagitan ng 24-27  Setyembre noong 2010. Higit na mababa ang nakuha ni dating Pres. Gloria Arroyo noong 2001 na plus 24 percent.

Patunay ito na sa kabila ng mga kontrobersiya na nilikha ng mga pahayag ng Pangulo at madalas niyang pagmumura laban kay US Pres. Barack Obama at sa Amerika, United Nations at European Union ay sinusuportahan siya ng maraming mamamayan.

Ang ugat ng hidwaan ay pakikialam ng mga dayuhan sa ipinatutupad na paghihigpit ng mga awtoridad laban sa mga damuhong sangkot sa ilegal na droga. Dahil sa kampanya ng gobyerno laban sa droga ay sandamakmak na ang namatay sa police operations.

Bukod diyan ay kabi-kabila rin ang mga natatagpuang bangkay ng biktima ng salvage na itinapon sa lansangan, na may karton na nakapaskel sa katawan na nagsasabing pusher ang pinaslang.

Ayaw lang naman ng Pangulo na pinakikialaman tayo ng mga dayuhan, na nararapat lang dahil parang sinasaklawan nila ang mga desisyon na ginagawa natin sa sariling bansa.

Ang utos lang naman ni Duterte sa pulisya ay tugisin at hulihin ang mga sangkot sa droga. Kapag pumalag sila sa aresto ay natural lang na lumaban din ang pulis upang ipagtanggol ang sarili. Sa oras na may pulis na umabuso sa kanyang puwesto o kapangyarihan ay kanya ring pananagutin.

Hindi rin naman dapat isisi sa gobyerno ang mga nakitang katawan ng salvage victims.

Ano ang malay natin kung pinapatay sila ng mga kapwa nila miyembro ng sindikato sa droga dahil sa onsehan o iba pang dahilan?

Nais ng Pangulo na wakasan ang ilegal na droga, krimen, korupsiyon at lahat ng gumagawa ng kagaguhan sa gobyerno, mga mare at pare ko para na rin sa ikabubuti ng bansa at sa kapakanan ng mga mamamayan. Mas maganda kung susuportahan siya ng lahat.

Palakpakan!

BULL’S EYE – Ruther D. Batuigas

About Ruther D. Batuigas

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Mayor Joy B., muling pinarangalan ng CSC; 4,025 QCitizens, nilektyuran ng QCPD vs terorista, etc.

AKSYON AGADni Almar Danguilan SANA ALL. Ang alin? Sana all ng alkalde sa National Capital …

Firing Line Robert Roque

Alerto sa backlash

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa isang analyst sa United States, isa ito …

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *