PATAY ang dalawang hinihinalang drug pusher makaraan lumaban sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) sa magkahiwalay na buy bust operation sa lungsod, iniulat ng pulis kahapon.
Sa ulat ng Batasan Police Station 6, napatay si Renato Tagalan alyas Junjun, residente ng 122 St. Florence St., Brgy. Holy Spirit ng lungsod, makaraan makipagbarilan sa mga pulis dakong 12:30 am.
Habang si Danilo Catbagan ng Brgy. Gulod, Novaliches at napatay ng mga pulis nang makipagpalitan ng putok sa buy-bust operation dakong 12:40 am.
( ALMAR DANGUILAN )