Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dance showdown nina Yassi at Maja, inaabangan sa Ang Probinsyano: Isang Pamilya Tayo

LAHAT ng operation ni Cardo (Coco Martin) sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano ay kanyang napagtatagumpayan. Napakarami nang sindikato at masasamang tao ang nakabangga at napatay.

Pero ang tanong, bakit hindi siya agad mapromote-promote? ‘Di ba in real life, kapag ang isang police na nakagawa ng kabayanihan kahit isang beses lang ay ipino-promote kaagad? Bakit sobrang tagal bago nai-promote si Cardo? Bulag ba ang mga superior ni Cardo at parang ‘di nila nakita agad ang mga na-accomplished ni Cardo?

Anyway, nagse-celebrate ngayon ang teleserye ng kanilang first anniversary at bilang pasasalamat sa isang taong pamamayagpag sa ere at sa pagiging number one lagi sa rating, ihahandog nila ang Ang Probinsyano: Isang Pamilya Tayo sa October 8 sa Araneta Coliseum.

Bukod sa regular cast headed by Coco, napakarami nilang guests kasama na si Maja Salvador.

At least, noong mawala si Maja sa teleserye ay hindi siya nagtanim ng galit o ‘di siya nagtampo dahil heto’t isa siya sa guest performer. At siyempre pa, kapag Maja, asahan na natin na talagang magpapakitang gilas na naman siya sa pagsasayaw.

Sa ibang banda, mukhang  hindi na basta guesting ang role ni Yassi Pressman sa Ang Probinsyano. Tumagal nang husto ang kanyang role bilang isang masipag na field reporter at feeling ko , siya na ang ipinalit kay Maja.

Nice choice naman si Yassi dahil maganda, sexy, at magaling din naman siyang umarte. Mahirap naman kasi kapag walang love interest ang bidang si Cardo.

Anyway, inaasahan kong mapupuno ang Araneta Coliseum sa rami ng manonood.

Sana may dance showdown sina Yassi at Maja. Gaya ni Maja, magaling ding sumayaw si Yassi.

MAKATAS – Timmy Basil

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …