Monday , December 23 2024

Bela at Yassi malaki ang pasasalamat sa FPJ’s Ang Probinsyano (Parehong nagningning ang career)

SA isang interview sa set ng bago niyang project ay nagpasalamat si Bela Padilla sa “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin na malaki ang naitulong sa kanyang career.

Sey ni Bela, mula nang gampanan niya ang karakter na Carmen sa Ang Probinsyano ay nagkasunod-sunod na ang kanyang proyekto. Masaya ang aktres dahil kahit matagal na siyang wala sa no. 1 action-drama series ng Dreamscape Entertainment dahil pinaslang siya ng kanyang biyenan na si Papa Toms (Albert Martinez), lider ng malaking sindikato, pero kahit sa pamamagitan ng dream sequence lang, ay muli siyang napapanood ng kanyang fans.

Hihingi siya ng tulong kay Cardo (Martin) para mabigyan ng hustisya ang pagkamatay nila ni Ador (ginampanan rin ni Coco) na kagaya rin niyang pulis na pinaslang ni police S/Insp. Joaquin Tuazon (Arjo Atayde). Marami ang mga nag-aabang sa pagbabalik ni Bela sa serye. Samantala tulad ni Bela ay pinag-uusapan rin ngayon si Yassi Pressman na additional cast ng serye lalo’t madalas makasama sa eksena si Coco. Papel ng isang field reporter na si Alyana Arevalo na anak ng dating journalist na si Ted (Joel Torre) ang pino-portray ni Yassi at napuna agad ang mahusay na performance niya rito.

Puring-puri ni Yassi ang pagiging humble at gentleman ni Coco aniya, sa umpisa pa lang nilang meeting ay alam na agad niyang napaka-gentleman ng primetime king ng Kapamilya network. “Kahit na isang sikat na actor na siya e, napaka-humble niya. Sobrang mabuting tao rin pala siya. Walang makitang pangit sa kanya,” pagbibida ni Yassi kay Coco, na ang wish ay sana magtagal raw siya sa seryeng ito. “Sana lang hindi mamatay ang character ko. Sana walang mangyari sa akin. At sana lagi akong ma-save ni Cardo,” with smile pang sambit ng magandang aktres sa entertainment press na invited sa first anniversary at thanksgiving presscon ng serye.

Winner na winner gyud!

THANKSGIVING ANNIVERSARY CONCERT NG FPJ’S

ANG PROBINSYANO SA BIG DOME STAR-STUDDED

Pinilahan ng libo-libong fans ang distribution

Ng libreng tickets para sa thanksgiving anniversary concert ng “FPJ’s Ang Probinsyano” ngayong October 8 (Sabado) na gaganapin sa Araneta Coliseum.

Majority ng cast sa pangunguna ni Coco Martin, Maja Salvador, Bela Padila, Awra at Onyok ay magpe-perform. Inyo rin masisilayan ang iba pang cast ng serye na sina Agot Isidro, Albert Martinez, Arjo Atayde, Pepe Herrera, Eddie Garcia at marami pang iba.

Mapupuno rin ng liwanag ang Araneta sa pagsa- sama-sama ng pinakamalalaking bituin ng industriya gaya ng loveteams na sina James Reid at Nadine Lustre (JaDine), Elmo Magalona at Janella Salvador (ElNella), at McCoy De Leon at Elisse Joson (McLisse) kasama ang pinakamagagaling na singers ng bansa na sina Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Vina Morales, Ayen Laurel at “ASAP” stars na sina Kyla, Juris etc.

Matinding tawanan ang ihahatid ni Vice Ganda, Vhong Navarro, at all-male group na Hashtags na magdadala ng good vibes sa mga manonood. Darating sina Richard Yap, Paulo Avelino at cast ng latest movie offering ng Star Cinema na “The Third Party” na kinabibilangan nina Angel Locsin, Sam Milby at Zanjo Marudo. Siguradong SRO ang special na palabas na hatid ng Dreamscape Entertainment at ABS-CBN. Hawak pala ng FPJ’s Ang Probinsyano ang record ng pinakamataas na rating na 46.7% na hindi kayang tapatan ng kalabang show.

EAT BULAGA PALAKAS NA PALAKAS

ANG RATINGS NATIONWIDE

Pawang patok sa televiewers ang mga segment ng Eat Bulaga na Music Hero, Lola’s Playlist: Beat The Champion at ang sobrang kinaaaliwan ngayon ng Dabarkads na “Challenge Accepted” every week ay iba’t ibang hamon ang paglalabanan ng mga star na kalahok. Ayaw paawat ang JOWAPAO at si Meng (Maine Mendoza) sa kanilang Juan For All, All For Juan na may dalawang daily segments na Sugod Bahay sa Barangay at Bayanihan of Da Pipol. Kaya

pagdating sa ratings game ay palaban pa rin hanggang ngayon ang Eat Bulaga na palakas nang palakas sa nationwide ratings at nananatiling number one noontime variety show sa AGB Nielsen Metro Ratings! Ang Boxing at Singing o BoxSing ang bagong hamon this week na mapapanood sa Challenge Accepted. Last Monday ay tinalo ni Ina Raymundo ang comedienne singer-host na si Giselle Sanchez.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *