Monday , April 7 2025
dead gun police

4 drug suspects todas sa vigilante

APAT hinihinalang drug personalities ang namatay makaraan pagbabarilin ng pinaniniwalalang mga vigilante sa magkakahiwalay na insidente sa Caloocan City.

Ayon kay Caloocan City police chief, Senior Supt. Johnson Almazan, dakong 1:00 am, nasa loob ng kanilang bahay kasama ang kanyang pamilya, si Jacqueline Barchita, 27, ng Phase 3, Pkg. 3, Blk. 84, Lot 7, Brgy. 176 Bagong Silang nang dumating ang mga suspek at siya ay pinagbabaril.

Dakong 1:30 am habang natutulog sa loob ng kanyang bahay si Willy Espiritu, 41, sa Blk. 7, Lot 4, Phase 4, Brgy. 168, Natividad Subdivision, Deparo nang pagbabarilin ng tatlong hindi nakilalang lalaki.

Sa Camarin, nagpapahinga sa loob ng kanilang bahay si Rogelio Cama, 53, kasama ang kanyang live-in partner na si Irene Marquez, sa 5181 San Vicente, Guyabano Dulo, Brgy. 178 nang paputukan ng tatlong suspek dakong 12:10 am.

Dakong 8:30 pm, nakatayo si Saturnino Antonio, 49, construction worker, ng Block 4, Lot 2, Sunriser Square, Brgy 187 Llano Road, sa labas ng kanilang bahay nang paputukan ng riding-in-tandem suspect.

( ROMMEL SALES )

About Rommel Sales

Check Also

DOST FISMPC New App to Connect, Support, and Promote Filipino Inventors Nationwide

New App to Connect, Support, and Promote Filipino Inventors Nationwide

Manila, Philippines – The Filipino Inventors Society Multi-Purpose Cooperative (FISMPC), supported by the Department of …

Chavit Singson Richelle Singson Ako Ilokano Ako Partylist

Ako Ilocano Ako Partylist suportado ng Transport groups

MAHIGIT 300 kinatawan mula sa mga pangunahing grupo ng transportasyon—kabilang ang Stop and Go Transport …

TRABAHO Partylist 106

TRABAHO Partylist nagsusulong nang mas mataas na sahod para sa daycare workers

ISINUSULONG ng TRABAHO Partylist ang mas matibay na mga polisiya upang mapabuti ang seguridad sa …

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *