Saturday , November 16 2024
dead gun police

2 utas sa ratrat sa Taguig

DALAWANG lalaki ang natagpuang patay nitong Lunes sa Tanyag Road, Zone 6, South Signal, Taguig City.

Tadtad nang tama ng bala ang dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na ang isa ay nilagyan ng karatulang “Pusher user ako huwag tularan”.

Sa paligid ng bangkay ay nagkalat ang 20 basyo ng bala.

Ayon sa ilang residente, nakarinig sila ng mga tunog ng motorsiklo at boses ng ilang lalaking tila pinatatakbo palayo ang mga biktima.

Walang nakitang pagkakakilanlan ang mga residente sa natagpuang mga bangkay.

TANOD, 1 PA TODAS  SA TANDEM

PATAY ang isang barangay tanod at kanyang kaibigan makaraan pagbabarilin ng dalawang lalaking sakay ng motorsiklo sa Brgy. Payatas, Quezon City, iniulat ng Quezon City Police District (QCPD) kahapon.

Kinilala ni Supt. Lito Patay, hepe ng QCPD Batasan Police Station 6, ang dalawang biktimang sina Frederick Davis, 47, tanod ng Brgy. Commonwealth, Quezon City, at Arjay Lumagod, 33-anyos.

Ayon sa ulat, dakong 12:05 am kahapon, habang lulan ng motorsiklo ang mga biktima at binabaybayan ang Payatas Road, Brgy. Payatas nang bigla silang pagbabarilin ng dalawang lalaking nakamotorsiklo.

( ALMAR DANGUILAN )

About hataw tabloid

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *