MANANATILI ang high-profile convicts na sina Jaybee Sebastian, Peter Co at Vicente Sy sa Building 14 ng New Bilibid Prison (NBP) kung saan naganap ang pag-atake sa kanila nitong Miyerkoles.
Sinabi ni Rolando Asuncion, officer-in-charge ng Bureau of Corrections (BuCor), ang Building 14 ang pinakaligtas na lugar sa tatlo na kasalukuyang nagpapagaling sa isang ospital makaraan ang nasabing pag-atake sa kanila.
“Tingin ko kasi yung pa rin, Building 14, ang pinaka-safe sa kanila,” pahayag ni Asuncion. “Pero kailangang i-lock talaga sila. Aalamin ko ‘yung gang affiliation saka yung dynamics dun para sa ganun, mai-schedule namin yung paglabas nila.”