Monday , December 23 2024

16-anyos dalagita, ginahasa at pinatay ng 15-anyos binatilyo

GINAHASA at pinatay sa saksak sa loob ng bahay ang isang 16-anyos dalagita kamakalawa sa General Tinio, Nueva Ecija.

Ang itinuturong nasa likod ng karumal-dumal na krimen, ang 15-anyos na manliligaw ng biktima.

Ayon sa ulat, nakipag-inoman muna ang suspek bago gawin ang krimen.

Batay sa pahayag ng kapitbahay ng biktima, may narinig silang ingay sa bahay at nakita ang binatilyong suspek na nakahubad at nagmamadaling umalis.

Naiwan ng suspek ang kanyang underwear at ang isang patalim na pinaniniwalaang ginamit sa pagsaksak sa biktima.

Naaresto na ang suspek at ngayon ay nasa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nahaharap ang binatilyo sa reklamong rape with homicide.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *