Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

5 tulak utas sa drug bust sa Navotas

LIMA katao ang napatay  ng mga awtoridad habang 85 katao ang inaresto sa isinagawang ”One-Time-Big-Time” (OTBT) anti-criminality operation sa loob ng Navotas Fish Port Complex kahapon ng umaga sa Navotas City.

Kinilala ni Senior Supt. Dante Novicio, hepe ng Navotas City Police, ang mga napatay na sina Gerald Butillo, 35; Vicente Batiancilla, 31, habang ang tatlo pa ay kinilala lamang sa alyas na Champoy, Nono at Alvin Toyo.

Sa ulat ni Insp. Jess Sagisi, dakong 5:00 am nang isagawa ang OTBT operation sa kahabaan ng Market 3 sa loob ng Navotas Fish Port Complex nang pinagsanib na puwersa ng Navotas Police, Northern Police District (NPD) Special Weapons and Tactics (SWAT) at ng District Public Safety Company (DPSC).

Sinasabing lumaban ang lima na nagresulta sa kanilang pagkamatay, habang 85 ang dinala ng mga awtoridad sa himpilan ng pulisya para maberipika kung sila ay may mga kaso.

( ROMMEL SALES )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …