Monday , December 23 2024

Charo Santos mahusay sa “Ang Babaeng Humayo” (Acting ‘di pa rin kinakalawang); John Lloyd Cruz masaya at naging bahagi ng best film sa 73rd Venice film festival

LABING-PITONG taon halos na hindi umaarte sa pelikula at telebisyon si Ma’am Charo Santos.

Pero dito sa kanyang comeback movie na “Ang Babaeng Humayo,” na idinirek ni Lav Diaz ay pinatunayang muli ng actress at bigwig ng ABS-CBN na hindi pa rin kinakalawang ang kanyang pagiging aktres.

Yes kahit na demanding ang karakter na ginagampanan ni Ms. Charo bilang dating guro na si Horacia na na napilitang magpanggap na lalaki upang makapaghiganti sa lalaking nag-frame up sa kanya na dahilan ng kanyang pagkakakulong nang tatlong dekada ay naitawid ng actress ang buong pelikula.

Puring-puri ng critics ang kanyang performance at pinag-usapan sa buong mundo ang kanilang pelikula dahil sa pagkakasungkit ng Golden Lion Award o Best Film sa 73rd Venice Film Festival. Ito ang pinakamataas na parangal sa nasabing prestihiyosong international award giving body.

Hindi man nakamit ni Ma’am Charo ang

Best Actress award sa Venice dahil sa sinasabing teknilidad ay tanggap niya ito dahil katuwiran niya hindi siya gumagawa ng pelikula para magka-award.

“That (Best Actress award) has never been foremost in my mind,” punto ni Santos.

“I mean pagkasimula ko ng pag-aartista, hindi naman ako gumagawa ng pelikula para manalo. Gumagawa ka ng pelikula because of your passion for the craft, dahil gusto ko.

“‘Yung pagkakapanalo, parang bonus na ‘yun, e. Like nag-usap kami ni Direk Lav no’ng March, gumawa kami ng pelikula at no’ng Mayo, hindi namin inisip na mapipili siya sa Venice Film Festival at lalong hindi namin iniisip na mabibigyan siya ng Best Film o Golden Lion award,” pahayag ni Ma’am Charo sa harap ng dumalong entertainment media sa grand presscon ng pelikula.

Dagdag niya, “So that has never been my motivation. If it’s there, it’s an affirmation of the hard work what you’ve done. Pero hindi dapat ‘yun ang tinitingnan.”

Samantala sa tanong tungkol sa character niya bilang Horacia at kung bakit tinanggap niya ito, tugon ng pangunahing bida ng Ang Babaeng Humayo (The Woman Who Left)…

“Ang nag-draw, sa akin sa character ni Horacia ay she experienced a spiritual journey… she started to see the good humanity again.”

At isinalarawan raw ito sa kanilang film ni John Lloyd Cruz na gumaganap naman bilang transgender na si Hollanda. At tulad ni Ms. Charo ay masayang-masaya ang Kapamilya actor dahil naging bahagi siyang muli ng isa na namang obra ni Lav Diaz.

Una siyang naidirek ni Diaz kasama si Piolo Pascual sa Hele Sa Hiwagang Hapis. Pagmamalaki ni Lloydie, ang pagbabalik daw ni Charo sa paggawa ng pelikula ang isa sa bentaha ng kanilang proyekto.

“Magandang mabigyan natin ng options ang mga manonood. Sa pagkakataon na ito, we have a Lav Diaz film starring Charo Santos-Concio sa pagbabalik niya sa film. Ako, that alone parang we should celebrate this film,” ani ni John Lloyd na manggugulat din sa kanyang papel bilang Hollanda na ibang-iba sa

Mga karakter na ginampanan na ng aktor.

“Wala na siyang mahanap na dahilan para ituloy pa ‘yung buhay niya. It’s a bit dark pero punong-puno ‘yung pagkatao niya, pagbabahagi ni Lloydie sa nasabing role. Parte rin ng movie sina Michael de Mesa, Sharmaine Buencamino, Noni Buencamino, Kakai Bautista, Mae Paner at marami pang iba.

Ito ay distributed ito ng Star Cinema na starting today (September 29) ay palabas na sa mga sinehan sa buong bansa.

Dapat itong mapanood ng milyon-milyong Pinoy gyud!

BIGUEL LOVETEAM PINAKILIG AGAD ANG TV VIEWERS

SA FIRST EPISODE NA “DREAM DATE” SA USAPANG REAL LOVE

Last Sunday, maganda ang feedback ng netizens sa first episode ng “Dream Date” sa Usapang Real Love na pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Pinakilig agad ng BiGuel loveteam kasama ang Kapuso hunk actor na si Jak Roberto ang kanilang viewers. At hindi ibibitin nina Miguel at Bianca ang kanilang fans dahil may 3 episodes pa sila sa URL at mas matinding love at kilig ang hatid nila sa lahat kasama ng kanilang mga co-star na kinabibilangan nina Yayo Aguila, Lloyd Samartino, Jade Lopez, Ces Quesada, at Gene Padilla.

Ang Usapang Real Love, ay isang  extra ordinary mini-series na may kakaibang konsepto na pinagtagpo ang social media at romantic comedies sa isang game-changing TV endeavour. Iba’t ibang Kapuso loveteams ang itatampok sa programa sa kakaibang kuwento ng pag-ibig na ang bawat istorya ay ipalalabas sa apat na weekly episodes.

Samantala iniimbitahan ng GMA-7 at ng URL ang netizens na abangan ang video challenges na ipo-post sa kanilang Facebook page na UsapangRealLove.

Para maipadala ang kanilang video entry, maaring i-message ito sa Facebook, i-tweet o i-post ang video sa Twitter o Instagram at i-tag ang @UsapangRealLove at lagyan ng hashtag na #Magpa-FANsin.

Ang mapipiling video entry, ay isasama sa episode at mapapanood sa TV kaya’t chance na ninyong makilala.

Sa ikalawang istorya ng Usapang Real Love ay bibida naman ang first team up nina Andre Paras at Mikee Quintos sa isang exciting na kuwento ng pagkakaibigan at pagmamahalan sa “Perfect Fit.”

Ka-join rin sa cast sina William Lorenzo, Mickey Ferriols, Arra San Agustin, Jay Arcilla, Vince Gamad, Bern Josep “Bekimon” Persia.

Abangan tuwing Linggo 4:45 ng hapon ang highest to the level na mga nakakikilig nilang kuwento pagkatapos ng GMA Blockbusters sa GMA.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Check Also

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *