Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ex-sexy star tiklo sa anti-drug ops

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang dating bold star noong dekada 90 na si Sabrina M sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Pasong Tamo ng nasabing lungsod kamakalawa ng gabi.

Sa pulong balitaan sa QCPD Headquarters sa Kampo Karingal, iniharap ni QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, sa mga mamamahayag ang dating artistang si Karen Salas Palasigui (tunay na pangalan) at may screen name na Sabrina M, 36, at residente ng 9 Pulangui St., Napocor Village, Brgy. Pasong Tamo, Quezon City.

Naaresto rin ang dalawang kasama ni Sabrina M na sina Erwin Locsin Martin, 29, ng 9 Pulangui St., at Edwin Locsin Coloma, 38, ng Roque 1 Extention, Brgy. Pasong Tamo.

Nauna rito, nakatanggap ng impormasyon ang QCPD District Anti-Illegal Drugs (DAID) hinggil sa ilegal na aktibidad ni Sambrina M.

Isang asset ang pinakilos para magmanman kay Sabrina M at nakuhaan ng video ang dating bold star habang bumabatak ng shabu.

Bunga nito, ikinasa agad ng DAID at District Special Operation Unit (DSOU) na pinamumunuan ni Supt. Rogarth Campo, ang buy-bust operation laban kay Sabrina M.

Dakong 11:45 pm inaresto ang babaeng nasa likod ng pelikulang ”Masarap ang Unang Kagat,” makaraan bentahan ng shabu ang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakuha kay Sabrina M ang P6,000 marked money at limang gramo ng shabu.

Kaugnay nito, sinabi ni Eleazar, malaki ang posibilidad na may mga artistang kustomer si Sabrina M  dahil ito ang dati niyang “circle of life.”

( ALMAR DANGUILAN )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …