Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maymay, nagpakarga kay Enrique

PAGPASOK pa lang ng PBB House, wala nang bukambibig ang housemate na si Maymay kundi ang makita ang idolong si Enrique Gil. Anim na taon na raw niya itong iniidolo.

May mga pagkakataon na akala niya ay makikita na niya si Enrique pero standee lang pala iyon ng actor o ‘di kaya picture lang. Pero noong isang gabi, tunay na Enrique Gil ang bumulaga sa PBB at ‘di na maipinta ang reaksiyon ng bubbly na si Maymay.

Naroong halos ayaw bumitaw sa pagkaka-akap sa actor at nagpakarga pa pagkakitang-pagkakita kay Enrique.

Ang katambal ni Enrique Liza Soberano naman ang gustong makita ng male teen housemates kaya nang dumalaw si Liza sa Bahay ni Kuya ay halos ‘di  makapaniwala ang boys. Dumating si Liza na kagigising pa lang nila at wala pa silang mumog at toothbrush man lang.

Mahilig palang kumain ng sili si Liza at ito ang dare niya sa mga lalaki. Unang nakasama ni Liza sa hapag-kainan ang mestisong si Marco. Halatang napilitan si Marco pero dahil kaharap si Liza kinailangan niyang kumain ng sili, sumunod si Yong, tapos si Christian, at ang huli ay si Edward na tatlong sili ang nakain.

Si Edward ang napili ni Liza sa challenge na iyon at binigyan niya ito ng personalized pillow. Nainggit ang ibang male teen housemates at naki-hug at naki-amoy na lang sa pillow na bigay ni Liza.

Sinabi rin ni Edward na si Liza ang kanyang naging inspirasyon. Napanood daw kasi niya ang aktres kasama si Enrique nang mag-show  noon sa Germany at ito ang nag-trigger sa kanya pasukin ang PBB at mag-showbiz eventually.

Napa-”I love you” pa si Edward kay Liza.

MAKATAS – Timmy Basil

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …