Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
shabu drug arrest

3 drug pusher tiklo sa buy-bust

ARESTADO ang tatlong hinihinalang mga drug pusher kabilang ang custom representative makaraan magbenta ng shabu sa pulis sa isinagawang drug buy-bust operation sa Caloocan City kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni District Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group (DAID-SOTG) Supt. Edgardo Cariaso ang naarestong mga suspek na sina Marcelo Gajudo, Jr., 42; Samuel Estrecho, 49; at Albert Ian Jimenez, Sr., 40, custom representative.

Ayon kay Cariaso, dakong 2:20 am nang ikasa ng kanyang mga tauhan ang buy-bust operation  sa Reparo St., Brgy. 132, Bagong Barrio na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

( ROMMEL SALES )

5 TIKLO SA TOKHANG SA LAS PIÑAS

BUMAGSAK sa kamay ng mga tauhan ng Intelligence Unit ng Las Piñas City Police ang limang lalaki nang maaktohan habang sumisinghot ng ipinagbabawal na droga sa isinagawang “Oplan Tokhang” sa lungsod kamakalawa ng hapon.

Nakapiit sa detention cell ng Station Anti-Illegal Drugs (SAID) ang naarestong mga suspek na sina Arturo Tolentino, 49; Braulio Egaya, 42; Aries Dela Cruz, 24; Jose Mark Tejeresas, 23, at Edu Jaime Jr., 32-anyos.

Base sa ulat ni PO3 Marsito Torreon, imbestigador ng Las Piñas City Police, naaresto ang mga suspek dakong 5:30 pm habang nagpa-pot session sa isang bahay sa Medina Compound, Talon 4.

( JAJA GARCIA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

Babys Day Out sa Bohol

Gumala habang nag-aaway si nanay at tatay
Baby’s day-out sa kanyang first birthday

NAALALA ba ninyo ang pelikulang Baby’s Day Out noong 1994?         Puwes nangyari ang isang …

Landers Fairview Fire

LANDERS SUPERSTORE SA FAIRVIEW NATUPOK
5 fire volunteers iniimbestigahan

ni ALMAR DANGUILAN TILA BUONG-BUONG nilamon ng apoyang sangay ng Landers Superstore sa kanto ng …

arrest, posas, fingerprints

Nagpanggap na pulis, kelot timbog sa panloloko

ARESTADO ang isang lalaki matapos magpanggap na pulis at manloko ng isang tindero sa pamamagitan …

Dead body, feet

8-anyos anak patuloy na hinahanap, bangkay ng aleng pulis natagpuan

NATAGPUAN ang wala nang buhay na katawan ng isang babaeng pulis na mahigit isang linggo …

FDNY China WPS

Mga Makabayang Grupo Kinondena ang Agresyon ng China sa West Philippine Sea

Nagdaos ng kilos-protesta ang Filipinos Do Not Yield Movement (FDNY), kasama ang mga lider at …