WALA akong natandaan na nakagawa na or tumanggap na ng gay role ang magaling na aktor na si Jay Manalo. Pero sa indie film na Pusit, buong ningning na tinanggap ni Jay ang isang mapangahas na role ng isang bakla na positibo si HIV virus.
Napapanahon ang pelikulang ito ni Direk Arlyn dela Cruz dahil naglipana ngayon ang may ganitong uri ng karamdaman na kadalasan ay nakukuha sa pakikipagtalik lalo na ng lalaki sa lalaki.
At ang nakababahala, marami sa mga may ganitong sakit ang hindi pa natukoy ng ahensiya o maging sila ay hindi pa nagpapatingin kaya ‘di nila alam na carrier pala sila ni Aida Macaraig (AIDS) kaya ang tendency nakikipagtalik pa sila kung kani-kanino lalo na kapag may face value sila.
Mayroon namang iba na alam na nilang positibo sila sa AIDS kaya ang ginagawa nila nakikipag-sex pa rin sila para manghawa.
Ang Pusit ay colloquial term for “Positive” o positibo sa AIDS.
Ayon kay Eric Borromeo, PR ng nasabing pelikula, ibang Jay Manalo ang mapapanood dito. Kung dati nyo na siyang hinangaan dahil sa magaling na pagganap sa mga role na ibinigay sa kanya, rito raw sa Pusit ay lalong hahangaan at iidolohin.
Bukod sa Pusit, aabangan din natin ang isa pang obra ni Direk Arlyn, ang Higanti na ang kuwento ay tungkol naman sa pagresbak ng isang taong inaapi at sinasaktan.
MAKATAS – Timmy Basil