NAGA CITY – Bunsod nang matinding problema, nagbigti ang isang padre de pamilya sa Garchitorena, Camarines Sur kamakalawa.
Kinilala ang biktimang si Alfie Frias, 30-anyos, ng nasabing lugar.
Ayon sa ulat, ang 7-anyos anak ng biktima ang nakakita sa wala nang buhay na katawan ng ama habang nakabitin sa loob ng kanilang bahay.
Ayon sa mga kaanak ni Frias, pasado 11:30 am kamakalawa, buhay pa ang biktima at walang ibang idinaraing kundi ang kanilang nararanasang problema sa pamilya.
Ito ang tinitingnang dahilan ng pagbibigti ng biktima.