Thursday , December 26 2024

De Lima aahon kaya sa binagsakang ‘kumunoy?’

SA tindi ng mga problemang kinakaharap ni Sen. Leila de Lima ay may mga nagtatanong sa ating mga kababayan kung ito na raw ba ang wakas ng matapang na senadora?

May mga nagsasabing mapipilitan daw siyang magbitiw sa puwesto. May nag-iisip na baka makulong daw nang habambuhay. Ang iba naman  ay naghihinala ba baka itumba raw ng riding-in-tandem o bayarang killers.

Grabe pa nga ang palagay ng isa na baka magpakamatay raw tulad ng mga Hapon na kapag nalagay sa labis na kahihiyan ay nagha-”harakiri” o suicide sa paglalaslas ng sariling sikmura.

Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre II, batay sa mga testimonya ay sapat na raw ang lakas ng ebidensiya na nag-uugnay kay De Lima sa ilegal na droga sa New Bilibid Prison (NBP) para sampahan siya ng kaso.

Isa sa mga lumutang para tumestigo ay si Herbert Colangco, na sentensiyado sa kasong robbery at carnapping, at sinabing nagbibigay sila ng milyon-milyong pisong payola kay De Lima noong kalihim pa ng DOJ.

Mantakin ninyong pinagbenta pa raw sila ng bawal na droga mula Bilibid ng kapwa preso na si Jaybee Sebastian para makalikom ng pondo na gagamitin sa kampanya ni De Lima sa nagdaang halalan.

Ayon kay Aquirre ay hindi rin puwedeng balewalain ang testimonya ni Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Director Benjamin Magalong na nagsabing plinano raw ni De Lima ang gagawing raid pero “staged” naman ito. Napatunayan daw ni Magalong na isinagawa ang raid para makontrol ni Sebastian ang negosyo ng bawal na droga.

Akalain ninyong puwede na raw kasuhan ang senadora sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at Anti-Graft and Corrupt Practices Act.

Kapag napatunayan daw ng korte ang mga paratang laban kay De Lima ay mangangahulugan ito na walang piyansang capital offense at habambuhay na pagkakakulong.

Ayon kay Aguirre ay kumakalap pa sila ng karagdagang dokumentadong ebidensiya upang lalo pang malakas ang kaso laban sa senadora. Kabilang sa mga nais nilang mahalungkat ang bank records ni De Lima kaya hinihingi raw nila ang tulong ng Anti-Money Laundering Council (AMLC).

Nagpadala umano ang AMLC sa DOJ ng ilang dokumento mula sa banko pero kailangan pa nila ng mga karagdagang dokumento sa isinasagawang pagsisiyasat, kaya ito ang kanilang hihingin. Ang kailangan daw nila Aquirre ay mga dokumento na mag-uugnay kay De Lima sa pera na mula sa negosyong bawal na droga sa loob ng Bilibid.

Masinsinan ang imbestigasyon at mga pagkilos nina Aguirre para madikdik si De Lima sa pagkakasangkot sa ilegal na droga. Ang tanong ay maisasalba pa kaya ni De Lima ang sarili sa kumunoy na kinasadlakan, mga mare at pare ko, o tuluyan na siyang lulubog?

Manmanan!

BULLS’s EYE – Ruther D. Batuigas

About Ruther D. Batuigas

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *