MAKAPIGIL-HININGA ang hearing sa Kamara tungkol sa paglaganap ng shabu sa loob ng Bilibid Prison lalo na noong panahon ni Sec. Leila de Lima bilang Kalihim ng Department of Justice.
Nadiin nang husto ng mga testigo lalo na si Herbert Colangco ang dating DOJ Secretary na ngayon ay isa nang senador sa kanyang expose na every month ay nagbibigay daw siya ng P3-M sa bagman ng kalihim na siJunnel Sanchez.
Bukod pa sa P1-M na ibinibigay ni Herbert sa tuwing magko-concert siya. Ang nasabing halaga raw ay PR Payola para makapasok ang mga generator set, equipment na kakailanganin sa concert, at ang pagpasok ng trak-trak na beer na milyon-milyon ang kita ni Herbert bukod pa sa ipinapabenta niyang shabu.
Habang nagsasalita si Herbert at iba pang testigo, sa Senado ay nag-Privilege Speech naman si De Lima at dinikdik niya sina PresidentRodrigo Duterte at Sen. Allan Peter Cayetano.
Back to Herbert’s testimony, nabanggit pa niya na ang Bilibid Prison ay mistulang Little Las Vegas na ang ibig sabihin, laganap ang sugalan, droga, pati babae.
Nabanggit pa ang pangalan ni Sharon Cunerta gayundin ng Mocha Girls, Ethel Booba, at Freddie Aguilar sa mga performer na nakapag-perform sa Bilibid.
Hindi naman itinanggi ito ng kampo ng Megastar pero ang ginawang show daw nito sa Bilibid ay isang Outreach Program at wala siyang bayad.
May isa pang expose si Herbert na kapag ang isang inmates na ipatatapon sa kolonya ay bata o tauhan ito ng drug lord, magbabayad ito upang hindi matuloy ang pagpapatapon. At siyempre, mga tauhan din daw ni De Lima ang kanilang kinakausap.
Napakabigat ng mga alegasyon tungkol kay De Lima pero sa tingin ko hindi naman nagupo ang senadora.
Pakatutukan natin kung ano ang kahihinatnan ng hearing sa Senado tungkol sa Extra Judicial Killing at ang Kamara na tungkol naman sa laganap na bentahan ng shabu sa Bilibid Prison.
MAKATAS – Timmy Basil