Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Destabilization dapat bang patulan ni PCO Sec. Martin Andanar? (Baliw lang ang mag-iisip n’yan!)

TUWING bago ang administrasyon laging may tsismis na destabilisasyon.

‘Yan ‘e mula nang mawala ang martial law, laging nagkakaroon ng tsismis na destabilization.

Hindi naman tayo presidente ng Filipinas pero siyempre ang normal na reaksiyon diyan ng isang namumuno, ‘e agad ipatawag ang kanyang chief of staff at intelligence chief para imbestigahan kung saan nanggagaling ang ‘usok.’

Isa pang puwedeng konsultahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ‘e ang kanyang national security adviser na si Gen. Hermogenes Esperon.

Puwede kasing ang ‘usok’ ay mula sa palito ng posporo dahil may nagsindi ng sigarilyo o puwede namang nagsisimulang ‘kalat-kalat na apoy’ mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan.

Puwede rin naman na pagkatahi-tahimik pero bigla na lang lalagab-lab ang apoy.

Ito ang dapat na tinitiyak ng national security adviser.

At habang nag-iimbestiga, hindi dapat nagpuputak-putak sa media si Secretary Martin Andanar. Kung ang Presidential Communications Office (PCO) ang nagsasalita tungkol sa destabilization, ‘e di parang parang tumutulong pa siya sa pagpapaputok ng isyung ‘yan?

O hindi kaya sina-psy-war tayo ni Paandar ‘este’ Andanar?!

Ibig nating sabihin, magbigay man ng statement si Secretary Andanar na mayroon o walang destabilization, ang resulta, pag-uusapan pa rin ‘yan.

Secretary Andanar, hindi mo ba alam ‘yung sinasabing ‘kill the story?’

Ayon nga kay Gen. Esperon sa Kapihan sa Manila Bay media forum kahapon, ang banta ng destabilization ay hindi nawawala, laging mayroon ‘yan.

Pero kung gagawin ito sa administrasyon ni Pangulong Duterte, hindi umano hinog ang kalagayan.

Naniniwala tayo riyan.

Si Digong ay ibinoto ng 16 milyong Filipino at hanggang sa kasalukuyan, ‘yang 16 milyon  na ‘yan ay sila mismong nagtatanggol sa Pangulo.

Ang kampanya ng Pangulo ay nakatuon laban sa mga pusakal na kriminal — hindi siya nag-isip kahit kailan na gantihan ang mga nakalaban niya sa politika noong nakaraang eleksiyon.

Ang tingin natin dito, mayroong mga kumakalaban na ‘pumasok’ sa kampanya ng Pangulo laban sa ilegal na droga gamit ang isyu ng human rights at extrajudicial killings, kaya ngayon ay nakakaladkad sila sa isyu.

Ang maigting na kampanya ba para sa pagsugpo ng kriminalidad gaya ng ilegal na droga ay rason para magkaroon ng destabilisasyon laban sa Duterte administration?!

Puwes, kung rason nga ‘yan, kombinsidong-kombinsido tayo na mga narco-politicians mismo ang ugat ng destabilisasyon na ‘yan.

At kung ganyan nga ang situwasyon, si Pangulong Duterte ay nasa tamang landas para durugin ang mga tunay na salot sa lipunan.

JAYBEE SEBASTIAN, RONNIE DAYAN
IHARAP NA SA KAMARA!

092216-jaybee-sebastian-de-lima-dayan

Patuloy ang imbestigasyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pagkakaugnay ng dating Kalihim ng Katarungan ngayon ay Senador Leila De Lima sa sindikato ng ilegal na droga sa loob ng National Bilibid Prison (NBP).

Kung hindi tayo nagkakamali, nagsalita na ang dalawa sa matitinding testigo, na tinutumbok ang umano’y king of drug lords na si Jaybee Sebastian at ang numero unong bagman na si Ronnie Dayan, ang sinasabing driver-lover ng dating Kalihim.

Ang ibang testigo ay itinuturo rin sina Sebastian at Dayan na kumita nang malaking salapi sa kalakalan ng ilegal na droga sa loob ng Munti.

Huwag na po sanang pahabain ng Kamara ang imbestigasyon.

Dalhin na nila sa Kamara sina Sebastian at Dayan para isalang sa imbestigasyon!

Silang dalawa ang dapat gisahin ng Kongreso sa isyung ito!

Busisiin din kung bakit madalas na nakikitang labas-masok si Dayan sa opisina ni Fred Mison noon sa Bureau of Immigration.

Baka ang mangyari pa riyan ay humaba nang humaba ang imbestigasyon at dumami nang dumami pa ang mga magsasalita hanggang malimutan na sina Sebastian at Dayan.

Isalang na ang king of drug lords at king ni De Lima!

King na ‘yan!

Berdugo ng mga vendor
‘FATHER & SON’ SA MANILA CITY HALL

KA Jerry, ang lupit nitong mag-ama sa Manila city hall sa pangongotong sa aming vendors. Ang tatay si Panotche at anak n’ya c Bet-tong. Pati mga basura sa pabrika at mga mall ay may lagay sa mag-ama. Ubod nang milyonaryo na cla. Bakit pinapayagan sila ni Mayor Erap?

+63919736 – – – –

MENSAHE SA MGA KONTRA KAY DIGONG

GOOD eve po, sana po sa lahat n kumukontra s laban ni Digong laban s droga, 2lung nlng n lang po kau, maubos lahat involved s droga at lahat n salot. D na po tau makahanap 2lad ni Digong at Bato, na walng ibang hangarin kndi sugpuin ang lahat n masama. Suporta ang kai-langan nila galing sa tin hndi pang- iinsulto, malinis po ang hangarin nla. D tayo dpat matakot kay Digong at Bato kung ikaw ay mabuting tao. Pero ang taong perhu-wisyo s bayan bilang n ang araw nyo, tnx po.

+63950214 – – – –

VP LENI DAPAT TUMULONG
KAY PRES. DUTERTE

OPINYON lng po, dapat tutulong o tulu-ngan ni Vice President Leni Robredo c Pres. Du30 sa pagsugpo ng ilegal na droga kc vice president sya. Para nman un s ikakabuti ng bansa ang pagsugpo ng droga.

+639368112 – – – –

KOTONG SA LTFRB-NCR

Gud pm Sir Jerry, dyan po sa LTFRB NCR, grabe ang kotongan. Un mga patay na franchise nagagawan nila ng paraan. P150K ang singil ng empleyado sa mga taong nagnanais na makakuha ng franchise ng taxi. Lalo na c alias Jun, contractual employee, pero dami ng sasakyan at may taxi sa Polane at Griffin taxi. Concerned citizen po. Pakisuyo lang sir, wag na po nyong ipaalam ang cp number ko. Ty. God bless. Dapat sir, ipa-alam po ninyo sa Director ng LTFRB NCR c Jun. Ang ganyan klase ng empleyado dapat alisin na. Pahirap sa mga tao. Ty. God bless.

+63919881 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *