Hiling na extension vs drug war ni Digong dapat suportahan!
Jerry Yap
September 21, 2016
Opinion
TAKE your time, Mr. President.
Alam naman nating lahat na malalim na ang inabot ng sindikato ng ilegal na droga sa ating bansa.
Katunayan, nakapagluklok na ang drug money ng mga narco-politicians sa iba’t ibang local government units (LGUs) hanggang sa Kongreso sa Mababa at Mataas na Kapulungan.
Hindi ba’t iniimbestigahan na ngayon sa Kongreso ang sindikato ng droga sa National Bilibid Prison (NBP)?
Sa loob ng anim na taon, pinaniwala ang publiko na nililinis ng Department of Justice (DOJ) ang Bilibid sa pamamagitan ng mga sorpresang pagsalakay at paglilipat sa mga drug lord.
Pero lumalabas na lahat ‘yan ay drawing lang.
Naalala tuloy natin noong kinanti natin ang isyu ng droga at VIP treatment sa loob ng Bilibid. Isang mataas na opisyal ng isang opisina na nasa ilalim ng DOJ ang tumawag sa inyong lingkod at pinagsabihan tayo na huwag daw natin pakialaman ang nasabing isyu dahil nabubulabog ang mga ilegalista.
Heto ang finale: pinagpaplanohan na raw ang inyong lingkod ng sindikato ng droga sa Bilibid para ipatumba sa mga kontak nila sa labas.
Pero paulit-ulit po nating tinalakay sa ating kolum ang nasabing isyu.
Hanggang mamagitan ang isang common friend at ‘umiiyak’ as in desmayado na ‘yung mataas na opisyal ng opisina na nasa ilalim ng DOJ sa inyong lingkod dahil hindi naman daw tinupad ng kanyang bossing na gagawin siyang komisyoner ng isang Bureau.
Aruyku!
Hindi po ako makuwentong tao, kaya ngayon lang po natin ito ibinabahagi sa inyo mga suki.
Kaya noong sinasabi nina Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at Chief PNP Director General Ronald “Bato” Dela Rosa na pinatungan ng P100 milyones at P50 milyones ang mga ulo nila ng sindikato ng ilegal na droga sa Bilibid ay naniniwala po tayo riyan.
Naniniwala po tayo na totoo na ginagamit nilang panakot ‘yung pagpapatumba.
Kapag natakot ang pinagbantaan, siyempre titiklop. ‘E kung gaya ni Digong na hindi natakot sa kanila?
‘Yan, dinudurog na sila ngayon.
At tanging si Pangulong Digong lang ang nagseryoso na durugin ang sindikato ng ilegal na droga sa ating bansa.
Kaya pabor ang inyong lingkod sa hinihinging ekstensiyon ni Digong para tuluyang durugin ang sindikato ng ilegal na droga sa bansa.
Tama lang na ituloy ninyo Mr. President ang giyera kontra ilegal na droga at huwag magpaapekto sa maiitim na hakbangin ni Senadora Leila De Lima para pigilan ang inyong plano.
Tuloy lang po Mr. President at hindi nagbabago ang suporta sa inyo ng mga mamamayan.
SUMABOG NA ANG PANDORA’S
BOX NI SENATOR LEILA DE LIMA
(Ano ang lihim ng kubol?)
Isa-isa nang naglalabasan ang mga ‘uod’ sa Pandora’s Box ni Senator Leila Delilah ‘este De Lima.
Umaastang tagapagtanggol ng human rights pero ngayon ay lumalabas na ‘bigtime mangongotong’ sa mga drug lord sa National Bilibid Prison (NBP).
Hindi libo-libong salapi ang pinag-uusapan sa kotongang ito kundi maaring umabot pa sa bilyon-bilyon.
Mismong mga trusted men ni De Lima noog siya ay nasa Department of Justice (DOJ) pa ang nagsasalita ngayon kung paano naghahatag sa kanya gaya ni dating National Bureau of Investigation (NBI) official Rafael Z. Ragos.
Si Ragos dating Deputy Director for Comptroller ay minsang itinalaga ni De Lima bilang OIC sa Bureau of Corrections (BuCor).
Since then, isa na siya sa mga trusted men ni Delimaw ‘este’ De Lima.
Kung tinatanggap si Ragos ng kanyang ‘bossing’ sa kanyang tahanan sa Parañaque City kahit nakasuot pa ng pambahay na duster at naroon ang tinutukoy na driver-lover na si Ronnie Dayan, aba, ibang level ‘yan?!
Ibig sabihin, walang ipinapakitang kaplastikan si Delimaw ‘este De Lima kay Ragos. Ultimo ang umano’y pagiging gahaman niya sa salapi ay hindi niya itinatago kay Ragos.
Ibang level talaga ‘yan!
Anyway, abangan natin kung saan aabutin ang mga balitaktatakang ito sa Kamara at Senado gamit ang kuwarta ng sambayanan (lahat po ng ginagastos diyan, galing lahat ‘yan sa bulsa natin, mga kababayan)…
Sa ngalan ng giyera sa ilegal na droga versus sa ngalan ng human rights (a.k.a. kontra extrajudicial killings) kuno.
Sana lang, ang lahat nang ito ay magwakas sa tuluyang paglupig sa salot na ilegal na droga.
MARAMING PLANO
ANG DANGEROUS
DRUGS BOARD (DDB)
Marami na namang inilalatag na plano si Dangerous Drugs Board (DDB) Chairman, Dr. Benjamin Reyes.
Napanood at narinig natin siya sa isang pang-umagang TV program na ibinibida (na naman?) ang kanilang programa.
Siyempre normal lang ‘yan. Maglatag ng pla-no lalo’t siya ang bagong chairperson ngayon.
Pero gusto lang natin tawagin ang pansin ni Chairman Reyes, ilang taon na po kayo riyan sa DDB!? Sana ang marinig namin kung ano na ang mga nagawa ninyo noon mga nakaraang taon?!
Sabi ninyo, hindi kukulangin sa 1.8 milyong Pinoy ang gumagamit ng ilegal na droga o ‘yung mga tinatawag na adik.
E ang tanong lang po, Mr. Chairman, bakit?!
Bakit dumami nang ganyan ang mga adik sa ilegal na droga?! Ano ba ang ginagawa ninyong mga taga-DDB sa mga nakalipas na taon?
Ang ibang ahensiya ng pamahalaan gaya ng PDEA, ang papel nila ay hulihin, kasuhan o ipasok sa drug rehab center ang mga nahuhuli nilang lulong sa droga.
Ibig sabihin, law enforcement sila.
E ang DDB?
Ano ba ang papel para mapigilan ang
pagdami ng mga nalulong sa ilegal na droga?!
Don’t act na parang bago lang kayo riyan sa DDB Mr. Chairman, inugat na nga kayo sa tagal ninyo riyan pero hanggang ngayon wala pa kayong mainam na formula kung paano makokontrol ang pagdami ng mga adik?!
Aba, ‘wag puro dakdak at magtrabaho na kayo, Mr. Chairman!
MAY BAGONG MODUS SA BI-NAIA T2!?
(ATTENTION: BI COMM. JAIME MORENTE)
TALK of the town ang isang Immigration Officer SACSAC ‘este’ SALALAC diyan sa NAIA T-2 na balitang kinasuhan ng isang bigtime na turista galing China matapos niya itong i-offload o i-exclude sa hindi malamang dahilan.
Nakapagtataka raw kung bakit ini-offload ni IO Salalac ang nasabing turista gayong kompleto umano ng dokumento na makapagpapatunay na qualified siya to be a tourist sa ating bansa.
Marami raw tuloy ang nagduda sa totoong agenda ng nasabing IO.
Umuugong daw kasi ang balita na parang nagiging modus ang ganitong pag-o-offload sa mga turistang Tsekwa lalo na kung profiled na mucho-dinero!?
Totoo ba ‘yan Immigration Bisor Rico ‘bmw’ Pedrealba??
Madalas daw kasi mapansin ang ganitong sistema lalo na kung nandoon din ang dalawang TCEU (travel control enforcement unit) na pakners yata nitong si IO Salalac?
Napapansin daw na karaniwang dinadala ang kanilang mga pasaherong inire-refer for secondary inspection sa isang interrogation room at pagkatapos ng ilang oras na pitsaan ‘este usapan ay may clearance na agad?!
Well, what’s new?!
Aware kaya si BI-NAIA T2 Terminal Head Dennis ‘pisngi’ Robles sa mga bagay na ito?!
Talas-talasan mo lang Sir Dennis…mahirap mabukolites!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN – Jerry Yap