ZAMBOANGA CITY – Isang 70-anyos babaeng negosyante ang iniulat na panibagong biktima ng pagdukot sa bayan ng Sirawai sa lalawigan ng Zamboanga Del Norte.
Batay sa ulat, nangyari ang pagdukot dakong 3:00 am kamakalawa.
Kinilala ng mga awtoridad ang biktimang si Martina Yee, puwersahang kinuha ng mga armadong kalalakihan.
Nabatid na isinakay ng mga armado sa speedboat ang negosyante saka tumakas patungong munisipyo ng Sibuco at sa direksiyon ng Zamboanga City.