Saturday , November 16 2024
shabu drug arrest

Cameraman huli sa shabu

NAARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang dating assistant cameraman ng isang television network makaraan makompiskahan ng shabu na nagkakahalaga ng P70,000 sa checkpoint habang ipinatutupad ang Oplan Sita sa Proj. 6, ng nasabing lungsod.

Sa ulat kay QCPD District Director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar, kinasuhan ng paglabag sa Section 5 ng RA 9165 (Transporting illegal drugs) si Dennis Ofilada, 38, residente ng 5 Greenfield St., Gloria 2 Subdivision, Tandang Sora, Quezon City.

Sa imbestigasyon ng QCPD Masambong Police Station 2, ipinatutupad nila ang Oplan Sita sa Mindanao Avenue, Proj. 6, kaya pinatabi ng mga operatiba ang motorsiklong sinasakyan ni Ofilada at kasama niyang driver dahil walang suot na helmet.

Pero kahinahinala ang ikinikilos ni Ofilada, kinapkapan siya kaya natuklasan ang dala niyang pitong sachet ng shabu na may timbang na 35 gramo. Bukod dito, nakuha rin ang expired niyang ID sa TV network.

Nang mabuking, pinaharurot patakas ng kasama ni Ofilada ang motosiklo saka tumakas.

( ALMAR DANGUILAN )

 

5 TIKLO SA SHABU

LIMA katao ang nakompiskahan ng sabu sa magkakahiwalay na lugar sa mga lungsod ng Parañaque at Muntinlupa.

Ayon sa ulat ni Parañaque City Police chief, Senior Supt. Jose Carumba, dakong 12:40 am, nagsagawa ng “Oplan Galugad” sa Balagtas St., Brgy. Don Galo ang mga tauhan ng Police Community Precinct (PCP-3) na nagresulta sa pagkakadakip kay

Kalvin Amaya, 27, ng 22 Regalado St., Brgy. Don Galo, nakompiskahan  ng isang pakete ng shabu.

Ang suspek na si Marites Anonuevo, alyas Tekya, 36, ng Manggahan Compound, Purok 7, Brgy. Moonwalk, ay nakompiskahan ng mga barangay tanod ng dalawang sachet ng shabu dakong 11:00 sa naturang lugar.

Samantala sa Muntinlupa City, dakong 4:30 am nang mahuli ng mga awtoridad ang tatlong mga suspek na sina  Alex Medina, 45; Francisco Rodolfo, 38, at Dexter Agbuya, 50, pawang ng Brgy. Cupang, Muntinlupa City, makaraan makompiskahan ng ilang pakete ng shabu sa 70 Garcip Compound  ng nabanggit na barangay.

( JAJA GARCIA )

About Almar Danguilan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *