Friday , January 30 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Magsuri bago humusga

MABIGAT ang mga paratang ng testigo na iniharap ni Senadora Leila De Lima sa kanyang ginagawang imbestigasyon ng umano’y Extrajudicial Killings (EJKs) sa ating bansa.

Hindi biro na paratangan ng pagpatay si Pa-ngulong Rodrigo Roa Duterte at kanyang anak na si Paolo na vice mayor ng Davao City. Dahil dito ay hindi dapat basta-basta natin balewalain ang mga sinabi ni Edgar Matobato bagama’t hindi rin ito dapat paniwalaan agad.

Dapat suriin ito sa lilim ng katuwiran at liwa-nag ng katotohanan at hindi batay sa ating mga akala o narinig lamang sa ating mga katabi o katoto. Kalimutan muna lahat ng bias at pakinggan ang lahat ng anggulo bago humusga.

* * *

Hindi maintindihan ng Usaping Bayan kung bakit ipinipilit ng ilan ang salot na Plantang Nukleyar sa Morong Bataan. Ewan ko kung alam nila na fault line ang kinatatayuan ng Bataan Nuclear Power Plant at ang Mt. Natib, tulad ng Mt. Pinatubo ay maaring biglaang sumabog na ma-giging sanhi ng pagbulwak ng mga elementong radioactive sa dagat, lupa at kalangitan.

Sino ang tatamaan ng nuclear fallout na ikamamatay ng milyon? ‘Yung mga nagpupumilit na buhayin ang BNPP? O ‘yung mga Filipino na dahil sa kahirapan ay walang masisilungan o mapagtataguan?

‘Yun ngang mga ordinaryong Hapones ay isinusuka ang kanilang mga plantang nukleyar, lalo na nang maganap ang aksidente sa nuclear power plant na nasa Fukushima. Mayamang bansa ang Hapon at sulong ang teknolohiya ng mga Hapones pero sila mismo ay walang magawa sa panganib na hatid ng plantang nukleyar… tayo pa kaya?

* * *

Ibig kong pasalamatan ang aking guro na si Rev. Guillermo Juan Jr., si Pareng Jerry Yap, Ricardo Panelo, si Chairman Ben Abalos Sr., Mayor Herbert Bautista, lider negosyanteng si Mike Defensor, ang negosyanteng si Resty Perez, sina Bishop Armando Dela Cruz, Obispo Supremo ng Philippine Independent Catholic Church; si Obispo Valiant Dayagbil, PICC Secretary General; si Kuyang Rev. Isaias Ginson ng Simbahang Episcopal, si Kuyang Kern Sesante ng Bureau of Customs, si Kuyang Junex Doronio, ang staff ng Beyond Deadlines, si Manang Ester, ang aking pamilya kasama na ang aking mga dogito at ang marami pang iba na nagtiwala at sumuporta sa aking paglalakbay.

Mabuhay kayo.

* * *

Mababaw daw tayo kung magsuri ng pambansang kalalagayan. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang aking bagong e-news website, www.beyonddeadlines.com

Ang website na ito ay maglalaman ng mga malalalim na talakayan kaugnay sa mga pangyayari sa ating bayan at iba pang mahalagang impormasyon para sa pang-araw-araw nating buhay. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin ang website na ito. Pakikalat ang balita tungkol sa www.beyonddeadlines.com

Salamat po.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala nang mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresort para sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

USAPING BAYAN – Nelson Flores

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Desperate move kina PBBM, ES Recto…pero bokya sa ebidensiya

AKSYON AGADni Almar Danguilan TIRANG personal – usong-usong ito sa away politika. Madalas nangyayari ang …

Firing Line Robert Roque

US funding cuts, dagok sa Filipinas

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SA UMPISA ng taon, malinaw ang mensahe ni US …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Magaan ang bisikleta, mabigat ang katotohanan
ALUMINYO, MANGGAGAWA, AT PANAWAGAN SA INDUSTRIYALISASYON

PADAYONni Teddy Brul MAHALAGANG deposito ng Karst bauxite sa Paranas, Samar, na naglalaman ng aluminyo …

Aksyon Agad Almar Danguilan

 “Sorsogon gold standard”pamarisan sa paggawa ng mga kalsada

AKSYON AGADni Almar Danguilan MUKHANG unti-unti nang tinatalikuran ng Department of Public Works and Highways …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Impeachment o sawsaw isyu lang?

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI naman tayo nanghuhusga pero ano itong nangyaring pag-iingay sa Kamara …