WOMAN of the Universe ang nakuhang titulo ng singer na si Emma Cordero sa katatapos na Mrs. Universe na ginanap kamakailan sa China. Proud na proud si Emma sa kanyang naging titulo. Pakiramdam niya’ y kasing bigat din o mas higit pa sa simpleng Mrs. Universe ang Woman of the Universe.
Nang tanungin si Emma kung ano ang naging basehan ng judges kung bakit siya ang nagwaging Woman of the Universe, anito, ipinakita niya ang kanyang talento sa pagkanta at inilatag din niya ang kanyang advocacy naAgainst Domestic Violence dahil siya mismo ay nakaranas nito.
Mayroon siyang charity na nagtayo siya ng eskuwelahan sa Laguna para sa mga less fortunate children.
Nagkaroon ng mini-concert si Emma sa ginawang victory party at sa totoo lang, wala pa ring kupas si Emma sa pagkanta at siya pa rin ang may K na tawaging Asia’s Princess of Songs.
Pinabulaanan ni Ovette Ricalde, ang Mother of All Pageant ang lumalabas na balitang nagbayad daw si Mrs. Australia para maging Mrs. Universe. Wala raw katotohanan ito dahil kung bayaran din daw ang labanan eh ‘di sana’y nagbayad din sila para manalo si Emma.
MAKATAS – Timmy Basil