Saturday , April 5 2025

2 hi-value target sa droga tiklo sa Taguig – QCPD

091916_front

ARESTADO ang dalawang ikinokonsiderang high value target sa pagtutulak ng droga sa buy-bust operation ng mga operatiba ng Quezon City Police District at Taguig City Police Station sa parking lot ng Sunshine Mall sa FTI, Taguig City kamakalawa.

Sa ulat kay QCPD Director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang mga nadakip na sina Suraida Guiomla alyas Aslia, 38, at Nasrudin Balabagan alyas Nas, 37, kapwa residente ng Upper Bicutan, Taguig City, kabilang sa QCPD Case Operation Plan (COPLAN) na ikinokonsiderang high-value targets (HVTs).

Ayon kay Eleazar, dakong 5 pm nitong SetyembrE 17, 2016, nang magkasundo sa transaksiyon sa Timog Avenue, Quezon City para sa P150,000 halaga ng shabu.

Ngnit nagbago ang isip ng dalawang suspek at sinabing sa FTI, Taguig City na lamang silang magkita.

Bunsod nito, agad nakipag-ugnayan ang QCPD District Anti-Illegal Drugs (DAID) sa Taguig City Police Station na nagresulta sa pagkaaresto sa mga suspek.

ni ALMAR DANGUILAN

About Almar Danguilan

Check Also

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

Pagkakaisa panawagan ni Revilla

NANAWAGAN si re-electionist Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr., ng pagkakaisa sa gitna ng kinahaharap na …

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

Pamilya Ko Partylist inendoso sa Maynila

INENDOSO at suportado nina Manila running councilor Pau Ejercito at Malou Ocsan ang Pamilya Ko …

Shamcey Supsup-Lee

Shamcey-Lee para sa Konseho sa Pasig, dinagsa ng suporta

LUMALAWAK ang suporta ng  kababaihan sa kandidatura  ni Shamcey Supsup-Lee bilang kinatawan ng unang distrito …

MNL City Run Presents Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ FEAT

MNL City Run Presents: Elorde The Flash Run 2025 – Run Like A Champ

Unleash Your Inner Champion, Run for a Cause! Get ready to lace up, push your …

NAITAS DOT magkaakibat para sa Takbo Para Sa Turismo

NAITAS, DOT magkaakibat para sa “Takbo Para Sa Turismo”

ANG National Association of Independent Travel Agencies (NAITAS) at ang Department of Tourism (DOT) ay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *