DALAWANG gabi pa lang na in-eere, Saturday and Sunday ang Pinoy Boyband Superstar pero ramdam na ramdam na ang fever nito. Ang gugwapo ng mga contestant at happy ako dahil nakakuha ng apat na “yes’ ang Cebuano hopeful na siNiel Murillo.
Sa female audience, nakakuha siya ng 96% (na ang passing ay 75%) at nang kumanta si Niel ng isang Tagalog song sa harap ng apat na judges na sina Aga Muhlach, Yeng Constantino, Sandara Park, at Vice Ganda ay napabilib sila ni Niel dahil bukod sa kanyang kaguwapuhan (hawig siya ni Richard Gutierrez na may pagka-TJ Marquez) ay ang galing din ng boses nito.
Noong mag-audition si Niel for Pinoy Boyband Superstar ay ipinakilala siya sa akin ni Johndro Sabuero na siyang Road Manger ni Niel. Nag-stay sila sa Eurotel at nadatnan ko na praktis nang praktis si Niel sa kanyang hotel room. Ka-roommate niya si Anthony Banach na sumalang noong Linggo, pasado siya sa female audience pero nakakuha lang siya ng dalawang yes (Aga and Yeng). Nag-no sina Sandara at Vice for Anthony.
Back to Niel, kasama ni Niel ang kanyang ina at ang kapatid nitong may problema sa paningin at ito ang nag-trigger kay Niel na ipursige ang kanyang sarili na mapasok sa PBBS para maipagamot ang kanyang kapatid.
Si Niel ay tubong Bogo, Cebu, the same town na pinagmulan ni Vina Morales.
Goodluck, Niel.
(TIMMY BASIL )