Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

John Estrada, Eddie Garcia ng kanyang panahon

Sa presscon ng teleseryeng Magpahanggang Wakas nahingan ng opinion si John Estrada (na kasama rito sina Jericho Rosales and Arci Muñoz) kung ano ang masasabi niya na  siya raw ang bagong Eddie Garcia.

Kuhang-kuha raw ni John ang style ni Eddie na kapag inilagay sa comedy, nag-i-excel, sa kontrabida, lumulutang  ang galing, at kapag ginawa namang bida, mas lalong magaling.

Flattered siyempre si John. Pero magkalayong-magkalayo sila in terms of age dahil si John, ang tikas-tikas pa at ang guwapo-guwapo pa.

Kaklase pala ni John ang kanilang direktor sa Magpahanggang Wakas na si FM Reyes sa UP noon.

How ironic, dahil ang  wife ni John sa teleserye ay walang iba kundi si Gelli de Belen na kapatid ni Janice na may mga anak si John.

Mag-uumpisa na ang Magpahanggang Wakas sa  September  19, ito bale ang papalit sa Born For You nina Janelle Salvador at Elmo Magalona.

Ito’y tungkol sa isang wagas na pag-ibig. Hahahamunin ang lahat  maipaglaban lang ang kanilang wagas na pag-iibigan hanggang wakas.

Kasama rin dito sina John Estrada, Marco Gumabao, Liza Lorena, Gelli de Belen, Lito Pimentel, at Rita Avila.

MAKATAS – Timmy Basil

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …