Friday , November 15 2024

De Lima gumaganti kay Duterte?

GUMAGANTI nga kaya si Sen. Leila de Lima kay Pres. Rodrigo Duterte at siya ang nasa likod ng damuhong nagpakilalang miyembro ng “Davao Death Squad (DDS),” na nagsabit sa Pangulo sa grupo ng mga mamamatay-tao?

Akalain ninyong ayon sa DDS member na si Edgar Matobato, si Duterte ang bumuo sa DDS upang paslangin ang mga kriminal sa Lungsod ng Davao.

Pero ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre, ang testimonya ni Matobato sa Senado noong Huwebes tungkol sa mga isinagawa umanong pamamaslang ng kanilang grupo mula 1988 hanggang 2013 ay pawang kasinungalingan.

Panggulo lang daw si Matobato at tinuruan ni De Lima sa kanyang mga sasabihin. Ang hangarin daw nito ay kontrahin ang imbestigasyon ng DOJ at pahinain ang mga testimonya na pasasabugin ng mga tetestigo sa House of Representatives sa isang linggo, na direktang mag-uugnay kay De Lima sa ilegal na droga sa New Bilibid Prison (NBP).

Kinuwestiyon ni Aquirre kung bakit ngayon lang isinapubliko ang testimonya ni Matobato samantala nasa ilalim na siya ng Witness Protection Program (WPP) ng DOJ mula 2013 hanggang Mayo ng 2016?

Bakit hindi raw isinulong ni De Lima ang pagsasampa ng kaso laban kay Duterte sa panahong ito samantalang siya ang nakaupong Justice secretary?

Sa pamamagitan ng NBI ay inimbestigahan ng DOJ sa panahon ni De Lima ang DDS.

Inimbestigahan din niya ang naturang grupo ng mga killer noong siya ang namumuno sa Commission on Human Rights (CHR).

Marami raw ipipresintang preso sina Aguirre na gumawa ng affidavit na nagtuturo kay De Lima. Tumanggap umano ang dating DOJ secretary nang milyones sa kanyang bahay mula sa naturang sentensiyadong drug lords. May pagkakataon pa na ang isang testigo ay personal na nag-abot umano ng P5 milyon kay De Lima.

Bukod sa kanila ay nakatakda rin daw tumestigo ang mga opisyal at ahente ng NBI sa pagdinig. Para sa kaalaman ng lahat, ang NBI ay ahensiyang nasa ilalim ng DOJ tulad ng BuCor.

Sa isang linggo ay magpo-focus ang pagdinig sa Kongreso sa paglaganap ng bentahan ng droga sa Bilibid sa panahong si De Lima ang kalihim ng DOJ mula 2010 hanggang 2015.

Maaalalang dati nang nagpahayag si Duterte na si De Lima at ang dati niyang driver at kalaguyo raw na nagngangalang Ronnie Dayan ay nakinabang umano sa pera mula sa ilegal na droga sa NBP.

Ang paglitaw ba ni Matobato ay paraan ng paghihiganti ni De Lima kay Duterte na tulad ng sinasabi ni Aguirre?

Totoo kaya na desperado ang senadora sa sunod-sunod na banat ng Pangulo at sa galit ng publiko dahil sa pagkakaugnay umano niya sa droga, mga mare at pare ko, kaya pinalutang niya sa Senado itong si Matobato?

Manmanan!

BULL’S EYE – Ruther D. Batuigas

About Ruther D. Batuigas

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *