Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Hair follicle drug test at blood test para sa celebrities

DAHIL sa kumakalat sa social media na hindi lang iilang entertainment celebrity ang gumagamit o lulong sa droga, mayroong pangangilangan na linisin nila ang kanilang sarili sa publiko.

Ang rason dito, dahil sila ay public figure at mayroong responsibilidad na maging huwaran sa publiko lalo sa kabataan. Alam natin, marami na rin ang nagsabing nagpa-drug test sa pamamagitan ng urine test at sila ay idineklarang drug-free.

Maraming netizens ang nag-react na parang dehins sila bilib o naniniwala sa resulta kuno nila. Pero kung seryoso talaga silang linisin ang kanilang sarili sa publiko, pinakamabuti siguro kung sila ay sasailalim sa blood test at hair follicle test para maipakita nila sa publiko ang history kung sila ay gumagamit o minsang nakagamit ng ilegal na droga.

071016 Drug test

Hindi naman natin pinagdududahan ang lahat pero marami talaga ang kumakalat na tsismis tungkol sa mga celebrity na gumagamit ng ilegal na droga.

Unsolicited advice lang sa mga natitsismis na celebrity, mas makabubuting isumite ang sarili nila sa drug test sa dalawang paraan — blood test at hair follicle test para 100% at taas noo nilang mapatunayan na they are very well clean.

Maaaring ‘yung iba ay may mantsa pero ma-tagal na panahon nang hindi gumagamit ng ilegal na droga. Mayroon namang akala natin ay very healthy pero magaling lang palang magdala kung paanong hindi mahahalata na sila ay nagdodroga.

At maaari rin ‘yung iba ay lulong na at kailangan na talagang tulungan kung paano siya makawawala sa salot na droga.

Pick your choice people in entertainment circle. Maybe this is a chance for those who are really needed this procedure.

Save yourselves peeps!

GLOBE WI-FI SA NAIA
MAS MABILIS PA ANG DATA
AT SARILING NETWORK
NG PASAHERO

091616-miaa-naia-free-wifi

IPINAGMAMALAKI ng dating administration ng Manila International Airport Authority (MIAA) na mayroong wi-fi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals.

Mayroon naman talaga.

‘Yun nga lang, mas mabilis pa ang data o ginagamit na network ng pasahero.

Ang nakatatawa pa, kapag naka-on o connect ang wi-fi ready para masagap ang network ng NAIA, bumabagal pa ang pag-i-internet.

Kaya ang ginagawa ng inyong lingkod, ini-o-off na lang ang wi-fi at network (LTE) ang ginagamit. Kaysa naman makunsumi at ma-stress lang sa kupad ng wi-fi sa NAIA, i-off na lang.

Kaya naman nang mabalitaan natin na mayroong instilasyong gagawin ang MIAA ngayon para bumilis ang wi-fi sa NAIA ‘e natuwa naman tayo.

‘Yan daw ay PLDT SMART.

Tutsugihin na raw ‘ata nila ang Globe!? Harinawa. Harinawang mapalitan ang mga bulok at mapalitan ng bago at mabilis ang wi-fi sa NAIA.

Aasahan po namin ‘yan, MIAA GM Ed Monreal. And thank you!

BOC DAPAT DOBLEHIN
ANG TALAS AT PAGBABANTAY
KONTRA ILEGAL NA DROGA

091516-faeldon-boc-ecstacy
SINISIYASAT ni Bureau of Customs (BoC) Commissioner Nicanor Faeldon ang 5,000 piraso ng ectasy na nagkakahalaga ng P7.5 milyon, makaraan masabat ng mga tauhan ng PDEA sa Manila Central Post Office. (BONG SON)

Kamakalawa, nakasabat na naman ang BOC-ESS Anti-Illegal drug task force ng 5,000 piraso o P7.5 milyong halaga ng ecstacy mula Netherlands.

Nasabat ito sa Manila Central Post Office ng pinagsanib-puwersang Customs Anti-Illegal Drugs Task Force, Port of Manila Collection District at Philippine Drug Enforcement Agency.

Kailangan talagang higpitan ng Customs ang kanilang pagbabantay laban sa ilegal na droga lalo na ‘yang party drugs na ginagamit ang air/sea parcel sa kanilang drug trafficking.

Hindi kasi madaling ma-detect ‘yang mga party drugs na ‘yan kaya kailangan nilang makapag-isip ng bagong detector para rito.

Pansamantala, kailangan talaga ang tiyaga sa pag-i-inspeksiyon kaysa naman malusutan sila ng malalaking sindikato.

Anyway, congratulations Customs Commissioner Nick Faeldon and DepComm. Enforcement group Arnel Alcaraz, keep up the good work!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *