ISINASAILALIM na sa surveillance ng pambansang pulisya ang limang showbiz personality na iniuugnay sa operasyon ng ilegal na droga.
Ayon kay PNP Anti-Illegal Drugs Group (AIDG) Director, Sr. Supt. Albert Ferro, alam na ng PNP ang ilegal na gawain ng mga artistang mga drug user at pusher.
Kaya nananawagan ang PNP sa nasabing mga artista na sa lalong panahon ay sumuko na sa pinakamalapit na estasyon ng pulis kaysa arestohin pa sila.
Giit ni Ferro, wala silang sasantuhin sa pag-aresto sikat man ang mga suspek o hindi.
Sa ngayon, hindi muna papangalanan ni Ferro kung sino ang limang artistang kanilang tinitiktikan.