Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Farm land conversion ipinatitigil ni Duterte

SA REKOMENDASYON ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Rafael Mariano, ipinatitigil ni Presidente Rodrigo Duterte ang kombersiyon ng 4.7 milyon agricultural land na aprubado simula noong 1972 para gawing subdivisions at industrial parks.

‘Yan ay bilang tugon sa katiyakan ng seguridad sa pagkain ng buong bansa.

Hinihintay na lang dito ang executive order ng Pangulo para sa coverage ng moratorium.

Sa unang pulong niya sa Presidential Agrarian Reform Council, inutusan din ng Pangulo ang Land Bank of the Philippines (LBP) na asistehan ang agrarian reform beneficiaries, para sa free irrigation services at ang pagbabalik sa P70 bilyon coco levy funds, na hanggang sa kasalukuyan may isyu pa rin sa San Miguel Corp., shares.

Hanggang ngayon ay hinihintay pa rin ang desisyon sa nasabing pondo na sinabing ilegal na nakuha sa pamamagitan ng pagpapataw ng buwis sa coconut farmers.

Bagamat nasa proseso pa lang ang executive order na nagbabawal na i-convert ang mga agricultural land malaking bagay ito para pansamantalang mapigil ang mga proseso ng mga land conversion.

Mayroon nga naman kasing mga farm land na mayroon pang tanim ‘e biglang darating ang bulldozer. ‘Yan ay kahit puwedeng hintayin na mahinog o maani muna ang nakatanim.

Nilinaw ni Ka Paeng na pinoprotektahan nila rito ang 4.7 milyon agricultural lands na naipamahagi at naipagkaloob na sa 2.7 milyones agrarian reform beneficiaries.

072316 DAR farmer

Ito ‘yung mga naibahagi na mula noong 1972 sa ilalim ng presidential decree noong martial law na inilabas ni Pangulong Ferdinand Marcos at noong 1988 Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa ilalim ni Pangulong Corazon Aquino.

Kasama rin dito ang agricultural lands na may notice na ng DAR, mga irrigated and irrigable land, prime agricultural lands, agricultural lands na niliilnang ng mga magsasakang mag-isa o magkakasama, at retention areas ng mga landowners na pinauupahan o sinasaka ng mga kasama.

Maliwanag na ang mga agricultural land na naipagkaloob na ng gob-yerno ay hindi maaaring i-convert nang labas sa layunin kapag walang DAR permission.

Sa ngayon, inutusan ni Secretary Mariano ang DAR personnel na repasohin ang mga order at desisyon ng mga nauna sa kanya. Iniutos na rin niya ang pagbubuo ng policy review and formulation committee.

Kabilang sa rerepasohin ang administrative order sa agribusiness venture arrangements na naging optional ang presensiya ng DAR.

Pero sa ilalim ng agricultural leasehold system, ang DAR ang may awtoridad at nagtatakda ng upa.

Naniniwala si Ka Paeng na ang DAR ang may pinakamalaking papel sa mga nasabing kasunduan upang tiyakin ang proteksiyon sa mga karapatan ng agrarian reform beneficiaries na pumasok sa agribusiness ventures.

Ang daming agricultural lot na na-convert sa malalaking subdivision, mall, industrial park at sementeryo  na  pinagkakitaan nang malaki ng ilang developer.

Sa wakas, sa haba ng panahon, nagpapalit-palit at nagpalipat-lipat na ang opisyal ng gobyerno, nagkaroon din tayo ng mga tunay na lingkod ng bayan.

Sana lang ay madaliin na ang executive order na ‘yan.

Suportado ka namin diyan Secretary “Ka Paeng” Mariano!

PATAY SA TOKHANG
BUMANGON!

091516-shabu-tokhang

Dapat talagang paimbestigahan ni Manila Police District (MPD) director S/Supt. Joel “Jigz” Coronel ang kagulat-gulat na pagbangon ng sinabing ‘patay’ sa Oplan Tokhang sa Malate, na si Francisco Santiago Jr.

Ngayon ay pinaiimbestigahan na ito ni S/Supt. Coronel.

Mukhang may nakasasalisi talagang ilang pulis na trigger happy sa Oplan Tokhang ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa.

‘Yan ang dapat bantayan DG Bato!

Totoong target daw si pedicab driver Santiago dahil number one sa kanilang drug watch list pero mukhang sumablay.

Paano ninyo ipaliliwanag ngayon ‘yan!?

Sablay dahil sa mga kamoteng trigger happy.

‘E baka bukas-makalawa ‘e maging ‘whistleblower’ pa ni Delilah ‘este Madam Leila De Lima ‘yang si Santiago sa Senado laban sa anti-illegal drugs operation ng PNP?

Ang huling balita natin, ang pamilya ni Santiago na nasa ospital ay naghahagilap kung saan kukuha ng pambayad nila.

Tsk tsk tsk…

Malamang maraming lumapit sa pamilya Santiago para tulungan silang makabayad at sumakay sa isyu.

At abangan na lang natin kung sino na naman ang gagamit sa isyung ito para batikusin ang programa laban sa ilegal na droga ni Pangulong Duterte!

ANO BA TALAGA ANG OFFICIAL
FUNCTION NI T/A BUSTAMANTE SA BI!?
(PAGING: SoJ VITALIANO AGUIRRE)

091516-immigration-prison

Marami raw ngayon ang naaalibadbaran sa karakas at aktibidad ng isang Jimmy Bustamante na nagpapakilalang T/A  raw sa Bureau of Immigration Warden’s facility diyan sa Bicutan.

T/A as in Technical Assistant or Technical-Alalay?!

Magmula pa raw nang mapasok sa Bureau, courtesy of expelled ‘este ex-commissioner SiegFraud ‘este Siegfred Mison ay dala-dala na ang kanyang pagiging bosyo ‘este bossy-bossy, kahit pa raw may organic employees na mas may legal personality sa kanya?

Power trip mode ha?!

Okay na raw sana kung siya ang designated head doon or kahit deputy man lang. Ang kaso mismong ang BI detention warden nga raw ay hindi man lang nagso-show of force sa mga tao roon.

Hindi lang daw umaaktong presiding offi-cer sa meetings si Bustatae ‘este’ Bustamante, siya pa raw ang nag-a-assign ng duties and functions ng mga tao kesehodang organic ka man or C/A raw?

Wattafak!?

Buti naman sana kung “in the interest of the service” ang mandate ng mama. Ang siste obvious naman daw na pagdating sa mga trabahong ‘pangkabuhayan’ ay doon lahat sa kanya napupunta at ‘pag wala naman ay saka ibabato sa mga kasamahan?

Ugh!!!

‘At my very own interest’ pala?!

Immigration Commissioner Jaime Morente, Sir, baka po pwede paki-klaro lang ang functions nitong si Mr. Bustamantsa ‘este Bustamante at baka biglang magka-riot sa BI Bicutan detention cell dahil sa pag-epal ‘este pamamalakad ng isang ‘yan?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *