Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Teleserye nina Jericho at Arci iniintrigang ‘di magre-rate

DAHIL kulang raw sa chemistry ay iniintrigang hindi gaanong magre-rate ang teleserye nina Jericho Rosales at Arci Munoz na mapapanood na simula ngayong Lunes sa ABS-CBN.

Bukod sa walang rapport ay hindi raw match si Arci kay Echo, mas bagay raw ang drama actor kay Maja Salvador na nakasama nito noon sa dalawang toprating teleserye na “The Legal Wife” at “Bridges Of Love.”

Well sayang naman kung ngayon pa lang ay nega na ang dating ng soap lalo’t ang bigating Kapamilya actor na si Piolo Pascual ang kumanta ng themesong nito.

Nagpaka-daring pa naman daw si Jericho sa proyekto niyang ito kaya’t sayang naman kung ma-oolat talaga sila ni Arci pagdating sa ratings!

No comment na lang gyud!

Francis Aglabtin Nananatiling Champion Sa Lola’s Playlist: Beat The Champion

Ayaw patinag ng kauna-unahang Grand winner ng “Lola’s Playlist” na si Francis Aglabtin, lagi siyang handa sa sinomang gustong tumalo sa kanya sa hit na segment ng Eat Bulaga.

Lahat ng daily winner na pasok sa weekly finals ay haharap o makikipagtunggali kay Francis sa Lola’s Playlist: Beat The Champion pero hanggang ngayon ay nananatiling champion pa rin ang nasabing young one na hanep kumanta ng old hits.

In fairness, pawang mahuhusay ang mga batang kalahok na umaasam na sila ang pumalit sa puwesto ni Francis. May magtagumpay kaya sa kianila?

Hango sa KalyeSerye ng AlDUB ang Lola’s Playlist ni Lola Nidora (Wally Bayola) na sobrang kinaaaliwan ngayon ng homeviewers lalo ng mga lola at lolo.

CALEB-BONNIE LOVETEAM KINAGIGILIWAN NG MGA MANONOOD NG “CALLE SIETE”

Bukod sa patok na loveteam nina Kenneth Medrano at Taki Saito bilang Jonas at Sushie sa “Calle Siete” may bagong tambalan ngayon sa family comedy-drama series ang Caleb-Bonnie na sina Bryan Benedict at Lovely Abella na kinagigiliwan araw-araw ng mga manononood ng morning serye na produced ng Tape Incorporated.

Very funny at cute ang dating ni Bonnie sa mga pa-effect niya kay Caleb, na nakilala lang niya sa FB. As in, marami siyang inirereklamo sa guy porke’t sampung taon na siyang walang love.

As in pati ‘yung selfie photo nila habang nagko-coffee sa first date nila sa bahay ni Lovely ay hinahanap ng dalaga sa Facebook. Reklamo niya kay Caleb bakit hindi nito ipino-post ang selfie nilang ‘yon. Imbiyerna rin siya at hindi isinama ni Caleb sa pagsu-surfing kaya hayun walang atubiling inisplitan niya ang boyfriend. Mabuti na lang at agad siyang sinuyo nito kaya okey na sila.

Pero lambing ni Bonnie ay payagan siya ni Caleb na kumustahin siya araw-araw sa pamamagitan ng text dahil parte na ang nobyo ng buhay niya at pumayag naman ang karelasyon sa gusto niya. Sina Jonas at Sushie naman ay smooth ang relasyon at lalong nagiging sweet sa isa’t isa.

Kaya kung gusto ninyong marelaks at mabawasan ang stress sa buhay manonood daily ng Calle Siete tuwing 11:30 ng umaga bago mag-Eat Bulaga sa GMA-7.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …