Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Pagbitay kay Mary Jane Veloso pagpapasyahan ng Indonesia (May go signal o wala si Digong)

NAGTATAKA naman tayo kung bakit ipinipilit ng ibang grupo na nagbigay daw ng go signal si Pangulong Rodrigo Duterte kay Indonesian Joko Widodo para bitayin si Mary Jane Veloso.

Puwede ba, common sense lang ‘yan, may go signal man o wala si PRRD, Indonesia pa rin ang masusunod kung bibitayin o hindi si Veloso.

Anong pakialam nga ni Pres. Duterte sa batas ng Indonesia?! Ganoon ba kalakas ang kapangyarihan

Pero siyempre, bilang Filipino, nananalangin tayo na sana nga ay patawarin na si Jane ng gobyernong Indonesia at bigyan ng ikalawang pagkakataon.

At kung mabibigyan ng ikalawang pagkakataon si Jane, diyan na kailangan pumapel ang gobyernong Duterte.

Dapat ang gobyerno mismo ang umalalay para sa pagbabagong-buhay ni Mary Jane.

Para naman sa ating lahat, magsilbing aral ang nangyari kay Mary Jane lalo sa mga kababayan nating overseas Filipino workers (OFWs).

Huwag po kayong masilaw sa salapi. Alalahanin ninyong kaya kayo nagpapakahirap ay para mabigyan ng magandang kinabukasan ang pa-milya ninyo.

090616 widodo duterte veloso

Kung magtutulak kayo ng droga, wala pong good karma. Darating ang panahon na sisingilin din kayo sa pagkakataon na hindi ninyo inaasahan.

Huwag rin kayong magpauto sa mga kaibigan ninyo na magpadadala sa inyong pagbiyahe.

Kung talaga namang hindi ninyo alam kung ano ang laman ng bag, mas lalong huwag kayong pumayag kung ayaw nilang buksan sa harap ninyo.

Maging segurista rin kayo lalo’t kaligtasan at buhay ninyo ang pinag-uusapan rito.

Para huwag na pong maulit itong nangyari kay Mary Jane, suportahan natin ang maigting na kam-panya kontra droga ng pamahalaang Duterte.

Hindi po puwedeng, ang pamahalaan lang ang nagsusulong ng kampanya, dapat ay kaagapay dito ang buong bansa.

Suportahan natin ang anti-illegal drug campaign at ang extrajudicial killings ay ipabahala natin sa tamang awtoridad.

Sabi nga, kung hindi kayo sangkot sa ilegal na droga, walang dapat ikatakot sa kampanya ni Pangulong Duterte at ni Chief PNP, Director General Ronald “Bato” Dela Rosa.

Para kay Mary Jane, uulitin lang po ng inyong lingkod, ipagdasal po natin na siya ay mabigyan pa ng ikalawang pagkakataon.

MAG-INGAT SA SCAM PROTEKTAHAN
ANG INYONG PERSONAL INFORMATIONS

091416-cyber-identity-theft

Hindi na po bago sa atin ang iba’t ibang scam lalo na ang identity theft. Naging talamak ito dahil sa hindi tamang paggamit ng social media.

Ilang tip po para makaiwas sa identity theft:

Umiwas sa paggamit ng public wi-fi. Marami pong hackers ang kayang-kayang nakawin ang mahahalagang impormasyon tungkol sa inyo kapag naka-public wi-fi.

Kung mahilig kayong makipag-swap ng inyong lumang cellphone o iba pang gadget, tiyakin ninyo na walang naiwan na importanteng numero, mensahe, makompromisong retrato o video sa inyong ipagpapalit o ipagbibiling lumang gadget.

Huwag masyadong open sa pagse-share ng mga detalye tungkol sa inyong buhay sa social media (FB, TWITTER, INSTAGRAM & SNAPCHAT). Hindi kayo celebrities.

Huwag masyadong iladlad ang personal information na para kayong gumagawa ng resume o curriculum vitae.

Huwag i-post ang inyong bills and receipts na may kompletong pangalan, address at contact number.

Mag-ingat din sa pamamahagi ng inyong ID o calling cards.

Ilang tip lang po ‘yan.

Ibahagi rin ninyo sa inyong mga anak lalo na sa mga teenagers na nalululong sa social media.

Uulitin ko lang po, mag-ingat sa identity theft.

KAPAYAPAAN ANG GUSTO

YAP, isa po ang aming pamilya sa nakiisa sa pagdiriwang ng Eid’l Adha o feast of sacrifice ng mga Muslim kahapon. Nagsimula ang aming selebrasyon sa pamamgitan ng panalangin sa Mosque at pagbisita sa mga kapamilya at kaibi-gan bilang pagpapasalamat kay Allah at sa mga pagpapala Niya. Ang Eid’l Adha ay isa sa dalawang pinakaimportanteng pagdiriwang   sa aming mga Muslim sa buong mundo. Kasabay ng aming mga panalangin ang panawagan hindi lang sa kapatid na Muslim kundi maging sa mga Kristiyano na magkaroon na ng kapayapaan at matapos na ang karahasan lalo na sa Mindanao na marami ang nagiging biktima nito.

Sa kabilang banda, ang ginagawa naman ng ating pamahalaan upang masugpo ang terorismo ay daan tungo sa mas mapayapang bansa na hindi na muling malulugmok sa takot at dahas dahil mayroon tayong gobyerno na handang tumugon sa mamamayan nito anuman ang relihiyon na kinabibilangan.

— Aarifah Jalali
Quiapo, Manila

HINAING SA PAMUNUAN NG KABUKIRAN
HOMES SUBD., GUIGUINTO, BULACAN

SIR JERRY, talahiban na at nawawala ang basketball court at playground na ipinatayo sa “inisyatibo ng isang beterano at namayapang MEDIA man na para sana sa mga kabataan sa Kabukiran Homes Subdivision sa Brgy. Tiaong, Guiguinto, Bulacan. Reklamo naming residente ay naglaho na ang ganda at saya sa lugar dahil sa tutulog-tulog at walang proyekto ang namumuno sa aming homeowners at tila hindi prayoridad ang kapakanan ng mga bata at kabataan lalo pagdating sa sports na isa sa makapaglalayo sa droga na nakapaligid sa komunidad, Nagtataka kami kung ano ang pinagkakaabalahan ng pamunuan at walang magawang kapakipakinabang, nabatid rin na hindi pa rin nalilinis ang mga ka-lapit nito kontra droga?

– Concerned Kabukiran resident.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *