ANG Bureau of Customs ngayon ay napapaligiran ng CCTV cameras to monitor the premises and offices inside the bureau.
Kaya karamihan ng mga service provider are very secure while transacting sa customs.
Ang primary reason kung bakit nag-install ng mga CCTV cameras ay para makita kung may taga-assessment na corrupt.
Ang tanong lang naman natin, kung sino ang nagmo-monitor ng mga CCTV cameras?
May customs police o intel ba riyan?
Hindi po ba dapat na ibigay ang pamamahala nito sa Customs police para in case of emergency ay makareresponde agad sa isang problema na puwedeng mangyari sa bakuran ng BOC?
One more thing, may maepal na makulit na nagtatanong, kung nagkaroon ba raw ng bidding sa pagbili ng mga CCTV?
Parang napakabilis naman daw kasi ng installation nito.
***
Kinalampag na ni BOC Comm. Nick Faeldon ang raket na naisulat natin sa isyu tungkol sa mga
CONSIGNEES FOR HIRE or SALE na ginagamit ng smugglers to process thier import goods.
Ilang empleyado sa AMO (account management office) ang agad na sinibak.
Faeldon also instructed Management Information and System Technology Group (MISTG) to cancel all access of all AMO personnel sa computer system ng customs.
Ang tanong lang ngayon, kung ang offices ba na gumamit ng mga SCANNER na inalis sa serbisyo ay napalitan na ba ang kanilang mga PASSWORD sa computers na only MISTG can give basta with a letter request from the commissioner office?
PITIK – Ricky “Tisoy” Carvajal