Monday , December 23 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Oplan Sagip Anghel sa Manila KTV clubs (Boy Arbor Lumutang)

KAMAKAILAN ay sunod-sunod ang ginagawang OPLAN SAGIP ANGHEL ng Manila Police District (MPD) sa pangunguna ng Manila Action and Special Assignment (MASA) kasama ang MSWD at Bureau of Permits ng Maynila sa KTV clubs.

Sinuyod ang mga club sa Chinatown, Binondo.

Maraming guest relations officers (GROs) ang dinala sa Manila city hall dahil walang pink card at iba pang sanitary/health permit.

Ang mga KTV club na nahulihan ng mga babaeng walang permit ay LIDO DE PARIS, PARKVIEW HOTEL & RESTO, FURAMA at VENICE 88 INTERNATIONAL.

Dinaanan rin ang BARCELONA massage pero mukhang may nagtimbre agad sa kanila kaya walang inabutang babae sa loob ng spakol.

‘Yung sikat na sikat na KTV club sa Sto. Cristo Binondo na K-1 club ay mukhang nakalimutan ‘ata ng composite inspection team!?

090816-oplan-sagip-anghel

Habang idinaraan sa proseso ang mga babaeng nahuli sa MASA ay biglang lumutang si Manila 2nd district konsuhol ‘este’ Konsehal EDWARD TAN at ipinangongosap ‘este ipinakikiusap na i-custody sa kanya ang sampung GRO.

Watafak?!

Paki-explain nga Konsehal Tan, kung bakit mo inaarbor ang mga GRO na ‘yan?!

In aid of what ba ‘yan!?

Sa Malate-Ermita area naman tayo mga kabulabog, inisa-isa rin ng Manila city hall composite team ang mga KTV bars lalo na ‘yun may mga babaeng kumakaway sa labas ng club kung kompleto sa permit ang mga babaeng ‘Magdalena.’

Habang nag-iinspeksiyon sa mga club ay biglang may lumutang na tongpats ‘este pulis at tinangkang pigilan sila sa kanilang ginagawang verification.

Watatafak agen?!

Nakilala ang nasabing police official na taga-PS-5 na si KAPITAN LICHU.

Kinuwestiyon ni Capt. Lichugas ‘este Lichu kung bakit nag-o-operate ang city hall composite team gayong may MOA raw na bawal ang mag-raid ng club sa Malate-Ermita.

Naku naman Kapitan Lichu, halatang-halata naman ‘yan diskarte mo ha?!

Sa pag-epal ni Kapitan Lichu ay natimbrehan daw tuloy ang ibang club na kaagd pinauwi ang kanilang club workers.

Tapatan lang tayo Kapitan Lichu, ano ba talaga ang interes mo sa mga club na ‘yan!?

Magkano ba ang ‘parating’ ng mga club na ‘yan sa presinto ninyo?!

90 DAYS NI BI COMMISSIONER
JAIME MORENTE, PASADO!

091316-morente-immigration

KUNG susuriin ang performance, sa unang ninety (90) days ni Commissioner Jaime Morente sa Bureau of Immigration (BI) ay masasabing pasado sa panlasa ng majority ng mga empleyado sa kagawaran (by the way, happy 76th anniversary).

Kung noon ay may lapses daw sa implementation of policies, masasabi naman daw na tolerable dahil sa pagiging bago sa kanyang kapaligiran.

Pero kung meron man daw dapat kabiliban sa katangian ni Commissioner Morente, ito ang kanyang pagiging mababang loob.

Makailang beses na natin sinubukan kung magre-react sa mga batikos natin na mali sa kanyang administrasyon lalo kung ating pinupuna ang mga tao na nakapaligid sa kanya pero ni wala naman tayong nabalitaan na nagalit o nag-alboroto.

Isang patunay ang pakikiisa niya sa mga desisyon na ipinalabas ng Deparment of Justice (DOJ) na karamihan sa mga nailabas na personnel orders niya ay tinutulan ng departamento.

Positibo rin ang oportunidad na ibinigay niya kay Immigration officer (IO) Red Mariñas bilang bagong BI-Port Operation Division Chief na as usual, mariing tinututulan ng mga loyalista ni expelled este ex-commissioner Siegfred Mison at Sen. Leila de Lima?!

Pakiramdam daw kasi nila ay naagawan sila ng lollipop?!

Kahit itanong n’yo pa ‘yan kay Atty. Tobalats?!

Mas magiging ganap sana ang maayos na pamamalakad ng administrasyon ni Comm. Morente kung mare-realize niya na may ilan pa rin masasamang elemento na nakapaligid sa kanya o patuloy na umaaligid sa kanya.

Ito ‘yung mga kakaibang karakter at ‘remnants’ ng nakaraang administrasyon na nagdulot ng anim-na-taon kaguluhan sa ahensiya.

I’m sure kilalang-kilala sila ni BI spokesperson Atty. Tonette Mangrobang?!

Sila ‘yung mga walang iniisip kundi mga pansariling interes. Kasama na riyan ‘yung mapanatili ang kanilang kapangyarihan lalo ang oportunidad na kumita nang limpak-limpak or easy money sa nakasusulasok na paraan.

Sa mga susunod na araw ay tuloy-tuloy po tayong magmamatyag sa mga kaganapan sa ating paboritong ahensiya.

Alam natin na marami tayong masasagasaan. Maraming masasaktan at nakatakdang sumama ang loob sa ating pambabatikos.

Pero ang atin lang ay pawang constructive criticism.

Ito ‘yung kritisismo na ang tanging hangad natin ay improvement ng opisina at maging ng mga public servant.

Ngayon kung medyo tinamaan ang iba dahil sa pagiging pusong mamon, ‘e hindi na namin problema ‘yan!

Punta na lang kayo sa ibang planeta at mamuhay doon mag-isa!!!

Para naman sa tatlong bagong Commissioner ng BI, dasal po namin na nawa’y lagi kayong gabayan ng Dakilang Lumikha para sa maayos na pamamalakad sa Bureau, Sirs!

‘KERNEL BULYAW’ NG MPD

GOOD pm sir, pakibulabog ang isang opisyal namin na may bisyong bulyawan ang mga junior officer na ipinatatawag niya.

Alam naman lahat sa HQ na sa kanya naka-centralize ang timbrehan at lubog n pulis. Nakade-demoralize kapag ganyan ang opisyal namin. ‘Wag n’yo po ilabas ang numero ko po. Salamat.

+63920535 – – – –

‘SUPPLIER’ NG ILANG CELEBRITIES

GOOD morning Mr. Yap, help me expose these two cocaine/drug supplier of celebrities. Si alias U-GIN at ASHER MAKARAIG. Madalas pa silang nagpa-firing sa QCPD. Do not post my number.

+63918738 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *