Monday , December 23 2024

90 days ni BI Commissioner Jaime Morente, pasado!

KUNG susuriin ang performance, sa unang ninety (90) days ni Commissioner Jaime Morente sa Bureau of Immigration (BI) ay masasabing pasado sa panlasa ng majority ng mga empleyado sa kagawaran (by the way, happy 76th anniversary).

Kung noon ay may lapses daw sa implementation of policies, masasabi naman daw na tolerable dahil sa pagiging bago sa kanyang kapaligiran.

Pero kung meron man daw dapat kabiliban sa katangian ni Commissioner Morente, ito ang kanyang pagiging mababang loob.

Makailang beses na natin sinubukan kung magre-react sa mga batikos natin na mali sa kanyang administrasyon lalo kung ating pinupuna ang mga tao na nakapaligid sa kanya pero ni wala naman tayong nabalitaan na nagalit o nag-alboroto.

Isang patunay ang pakikiisa niya sa mga desisyon na ipinalabas ng Deparment of Justice (DOJ) na karamihan sa mga nailabas na personnel orders niya ay tinutulan ng departamento.

Positibo rin ang oportunidad na ibinigay niya kay Immigration officer (IO) Red Mariñas bilang bagong BI-Port Operation Division Chief na as usual, mariing tinututulan ng mga loyalista ni expelled este ex-commissioner Siegfred Mison at Sen. Leila de Lima?!

Pakiramdam daw kasi nila ay naagawan sila ng lollipop?!

Kahit itanong n’yo pa ‘yan kay Atty. Tobalats?!

Mas magiging ganap sana ang maayos na pamamalakad ng administrasyon ni Comm. Morente kung mare-realize niya na may ilan pa rin masasamang elemento na nakapaligid sa kanya o patuloy na umaaligid sa kanya.

Ito ‘yung mga kakaibang karakter at ‘remnants’ ng nakaraang administrasyon na nagdulot ng anim-na-taon kaguluhan sa ahensiya.

I’m sure kilalang-kilala sila ni BI spokesperson Atty. Tonette Mangrobang?!

Sila ‘yung mga walang iniisip kundi mga pansariling interes. Kasama na riyan ‘yung mapanatili ang kanilang kapangyarihan lalo ang oportunidad na kumita nang limpak-limpak or easy money sa nakasusulasok na paraan.

Sa mga susunod na araw ay tuloy-tuloy po tayong magmamatyag sa mga kaganapan sa ating paboritong ahensiya.

Alam natin na marami tayong masasagasaan. Maraming masasaktan at nakatakdang sumama ang loob sa ating pambabatikos.

Pero ang atin lang ay pawang constructive criticism.

Ito ‘yung kritisismo na ang tanging hangad natin ay improvement ng opisina at maging ng mga public servant.

Ngayon kung medyo tinamaan ang iba dahil sa pagiging pusong mamon, ‘e hindi na namin problema ‘yan!

Punta na lang kayo sa ibang planeta at mamuhay doon mag-isa!!!

Para naman sa tatlong bagong Commissioner ng BI, dasal po namin na nawa’y lagi kayong gabayan ng Dakilang Lumikha para sa maayos na pamamalakad sa Bureau, Sirs!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sir Jerry Yap JSY Ed de Leon

Sa unang Pasko na wala siya
JSY HINDI NAKALIMOT SA MGA EMPLEYADO

ni ED de LEON AYOKONG isipin na wala na si Boss Jerry. Ang laging nasa …

Sir Jerry Yap JSY Nino Aclan

JSY, the best boss that i’ve ever met

ni Niño Aclan SIR JSY is the “Best Boss” that I’ve ever meet. Ganito ko …

Sir Jerry Yap JSY Bong Son

Totoong tao, tunay na kaibigan, best boss ever

ni BONG SON TUNAY na ako’y napahanga sa ipinakitang pagmamahal ng publisher ng HATAW Diyaryo …

Sir Jerry Yap JSY Ms M

Forever grateful kay JSY

ni Maricris Valdez-Nicasio COOL boss. Ganito ko sabihin at ilarawan ang aming publisher na si …

Sir Jerry Yap JSY Rose Novenario

Matatag, maaasahan, may paninindigan
PINAKAMATAAS NA PAGSALUDO SA IYO, SIR JERRY!

ni ROSE NOVENARIO KUNG ilalarawan ko ang pagkatao ni Jerry Sia Yap bilang employer at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *