MUKHANG tinalo na ni Pia Wurtzbach si Kris Aquino sa paramihan ng TV commercials.
Bagamat may mga nakikita pang TVC ni Kris, lamang na lamang ang kay Pia dahil puro mga bigatin ang ini-endorse nito tulad ng isang shampoo, airlines, telephone, at bank.
Nangyari ang lahat ng ito dahil siya ang kasalukuyang Miss Universe. Biglang yaman talaga at masasabing milyonarya na si Pia. Idagdag pa natin diyan ang mga raket niya ngayon sa US na dolyares ang ibinabayad sa kanya.
Deserved naman talaga ni Pia kung anuman ang blessings na kanyang tinatanggap ngayon dahil hindi naman lingid sa ating kaalaman na tatlong beses siyang nagpabalik-balik sa pagsali sa Binibining Pilipinas para lang masungkit ang korona at ipadala bilang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Universe.
MAKATAS – Timmy Basil