Sunday , December 22 2024

Ibang klase si Duterte

NGAYON lang tayo nagka-presidente na tahasang nagsabi na tatahak tayo ng malayang landas pagdating sa pakikipag-ugnayan sa ibang bansa. Hindi tulad ng mga nagdaang pangulo, lalo na ang nakaraang administrasyon ni Benigno Simeon Aquino III, na kitang-kita na may ibang interes na ikinokonsidera sa mga hakbangin nito.

Ang pagiging malaya mula sa impluwensiya ng mga dayuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay isang malaking biyaya sa ating bayan sapagkat sa unanag pagkakataon ay maaari tayong pumanday ng isang malayang bukas. Harinawa ay manatiling totoo ang pangulo sa kanyang mga binitiwang salita.

* * *

NAKATUTUWANG may checkpoint ngayon sa Kalakhang Maynila sapagkat binibigyan ng kapanatagan ng isip ang taong bayan. Bukod dito, kitang-kita na magalang ang mga nagpapatupad ng checkpoint tulad na lamang ni PO1 Albunian ng Anonas Police Station ng Central Police District Office.

Noong isang gabi ay napadaan ako sa checkpoint ng Anonas Police Station sa kahabaan ng Kalayaan Avenue at mas nasabi ko na maayos ang trato ng mga pulis sa mga nasisita nila. Kaya kudos sa mga katulad mo PO1 Albunian.

Magalang rin ang mga pulis na sumalubong sa akin sa Eastern Police District Office sa Annex building sa tapat ng DepEd main office at sa Caruncho complex. Ako ay kaagad na inasistehan at nakuha ko ang mga impormasyon na aking hinahanap. Mabuhay ka classmate Romulo Sapitula, ang hepe ng EPDO. Ayos ang mga tao mo.

* * *

Dapat alisin o ipagbawal ‘yung promo ng mga fast food restaurant na magpapahatid ng pagkain na may taning na oras o minuto. Dangan kasi, ito ay naglalagay sa panganib sa mga naka-motor na delivery boy. Pansinin na haharurot sa daan ang mga delivery boy upang umabot lamang sa deadline. Bukod sa nagiging mapanganib sa kanila ito ay nalalagay din sa panganib ang iba na maaari nilang maka-aksidente.

* * *

Ang Costa Rica raw ay hindi gumagamit ng non-renewable energy tulad ng gasoline sa pagpapatakbo sa kanilang bayan. Para sa karagdagang detalye ay pasyalan ninyo ang aking bagong e-news website, www.beyonddeadlines.com

Ang website na ito ay maglalaman ng mga malalalim na talakayan kaugnay sa mga pangyayari sa ating bayan at iba pang mahalagang impormasyon para sa pang-araw-araw nating buhay. Sana ay makaugalian din ninyo na bisitahin ang website na ito. Pakikalat ang balita tungkol sa www.beyonddeadlines.com

Salamat po.

* * *

Kung ibig ninyong maligo sa hot spring ay maaari kayong pumunta sa Infinity Resort sa Indigo Bay Subdivision, Brgy. Bagong Kalsada, Calamba City. Malapit lamang sa Metro Manila at mula sa resort na ito ay tanaw ninyo ang banal na bundok Makiling.

Magpadala nang mensahe sa www.facebook.com/privatehotspringresortpara sa karagdagang impormasyon o reserbasyon.

USAPING BAYAN – Nelson Flores

About Rev. Fr. Nelson Flores, MSCK, JD.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *