MALAYANG makagagalaw at mananatili pa ring makakikilos ang mamamayan at lalong hindi malalabag ang karapatang pantao ng mamamayan ng Quezon City sa pagpapatupad ng checkpoint ng Quezon City Police District (QCPD) katulong ang militar sa pangunahing mga lugar ng lungsod.
Ito ang ipinahayag ni QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar kasabay nang pagsasabing patuloy na igagalang ng pulisya ang karapatan pantao ng mamamayan habang tumutupad ng kanilang tungkulin.
Ayon kay Eleazar, irerespeto rin ng mga pulis ang karapatan pantao ng mga motoristang sinisita o sisitahin sa mga checkpoint habang pinangangalagaan ang katahimikan sa lungsod.
Inihayag ito ng hepe ng QC police dahil sa pangamba ng iba’t ibang human rights at religious groups na maaaring malabag ang karapatang pantao ng mamamayan sa pagpapatupad ng checkpoint habang nasa ilalim ng “state of lawlessness” ang bansa.
( ALMAR DANGUILAN )