Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Half bro ni Lea, 2 pa tiklo sa 80 ecstacy

ARESTADO ang tatlong hinihinalang tulak ng ecs-tacy party drugs, kabilang ang half-brother ni singer-actress Lea Salonga, sa mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) na nakompiskahan ng 80 pirasong iba’t ibang klase ng ecstacy na nagkakahalaga ng P120, 000 sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa lungsod at Pasig City.

Sa ulat kay QCPD director,  Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, ang nadakip ay kinilalang sina Philip Salonga, 37, ng Freedom Lane, Interville Subd., Tandang Sora; Nathaniel Adrian de Guzman Cruz, 39, residente sa Troy Cmpd., Brgy. Pasong Tamo; at Edward Nelson Jose, 33, residente sa Tongonan St., Brgy. Sauyo, pawang ng Quezon City.

Ayon kay Eleazar, ang tatlo ay nadakip nang pinagsanib na puwersa ng District Special Operation Unit (DSOU) na pinamumunuan ni Supt. Rogarth Campo, at District Anti-Illegal Drugs (DAID) na pinamumunuan ni Supt. Godofredo Tul-O.

Naunang nadakip si Cruz sa isang fastfood sa kanto ng East Avenue at V. Luna St., Brgy. Pinyahan, Quezon City makaraan bentahan ng 51 pirasong ectasy ang pulis na nagpanggap na buyer dakong 6:30 pm nitong Huwebes.

Sa imbestigasyon, itinuro ni Cruz na kinukuha niya ang kanyang supply kay Salonga kaya nagkasa ng buy-bust operation.

Dakong 2:30 am kahapon, nadakip si Salonga sa Reserve Liquor Lounge, City Golf Plaza, Julia Vargas Avenue, Bgry. Ugong, Pasig makaraan bentahan ng 14 pirasong ecstacy ang pulis na nagpanggap na buyer.

Nakuha rin kay Salonga ang tatlong plastic na marijuana.

Dakong 3:00 am, ikinasa ang isa pang operas-yon na nagresulta sa pagkakaaresto kay Jose sa Tandang Sora Avenue, malapit sa Visayas Avenue, Bgry. Pasong Tamo, Quezon City.

( ALMAR DANGUILAN )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …