Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Style na tahimik ni Rita, ‘di na uso

HINDI na nabigla ang publiko nang tawagin ni Toni Gonzaga ang pangalan ni Badjao Girl na si Rita Gaviola bilang pangalawang evictee sa Bahay Ni Kuya noong Sabado ng gabi. Hindi kasi masyadong remarkable ang pag-stay ni Rita sa nasabing bahay. Napapansin lang siya kapag nagagalit pero sa ordinaryong araw na  hindi siya galit, nasa gilid lang siya at parang tipid na tipid sa pagsasalita.

Bukod kay Rita ay nominado rin for eviction sina Christian, Heaven, at Kristine.

Again, walang baring pa rin ‘yung Padaluck dahil si Rita ang nakakuha ng pangalawang pinakamataas na Padaluck. Sa ikalawang pagkakataon, si Christian uli ang nakakuha ng pinakakaunting Padaluck pero wala nga itong silbe dahil ang mananaig pa rin ay ang Ligtas Challenge ni Kuya.

Kailangang gumawa sila ng tore ng Rubiks cube at ‘yun na nga, si Rita ang nakagawa ng pinakamaigsing tore kaya siya ang na-out.

Well, hindi rin kasi nagpakitang gilas si Rita sa Bahay Ni Kuya kaya siya na-nominate. Oo, hindi nga hindi siya sanay sa ganyang eksena pero naroon na siya, dapat nakipaglaro na siya nang lubusan dahil kompetisyon iyon at ang kanyang mga nakakasama ay hindi basta-basta.

Minsan nga naringgan ko ang ilang housemates ng “o Rita, ano ang maiko-contribute mo?” dahil nga bilang housemate, kailangan din ni Rita ng output sa anumang task o pinag-uusapan sa loob.

Anyway, sana’y may natututuhan si Rita sa ilang linggo niyang pagtira sa Bahay Ni Kuya at since may manager na siya, tiyak magtutuloy-tuloy si Rita sa showbiz kaya lang dapat hindi na siya masyadong inferior,  minsan gumimbal din siya dahil hindi na uso ngayon ‘yung ganyang style na tatahi-tahimik.

MAKATAS – Timmy Basil

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Timmy Basil

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …