Tuesday , March 17 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gambling politicians next target ng PNP — Bato

KINOMPIRMA ni PNP chief, Director General Ronald Dela Rosa, inalok siya ng malaking halaga ng pera ng ilang gambling lords ngunit kanya itong tinanggihan dahil alam niyang malaki ang kapalit dito.

Sinabi ni Dela Rosa, sa sandaling mag-umpisa na ang kanilang kampanya laban sa illegal gambling, wala siyang pakialam kung sino ang masagasaan.

Ayon kay Dela Rosa, susunod nilang pagtutuunan nang pansin ang illegal gambling sa bansa at kanilang pupuntiryahin ang mga politiko o gambling politician.

Aniya, kung may narco-politicians may gambling politicians din.

Dagdag ng heneral, naka-focus sa ngayon ang PNP sa illegal na droga at sakaling matapos ang problema, sunod nilang target ang illegal gambling.

Banggit ng heneral, dapat mapuksa rin ang illegal gambling lalo na’t may mga politiko at mga pulis na may patong dito dahil maihahantulad sa droga ang illegal na sugal.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Scam fraud Money

Scammer na ex-brgy. admin, timbog

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang isang dating opisyal ng barangay na may kinakaharap …

Norzagaray Bulacan police PNP

Top 10 MWP sa Norzagaray, arestado sa kasong statutory rape

NAARESTO ng mga operatiba ng Norzagaray Municipal Police Station ang isang lalaki na nakalista bilang …

SM Sparklo Reverse Vending Machines

SM Introduces Sparklo Reverse Vending Machines to the Philippines for the First Time Ever

SM Supermalls and Sparklo executives formalize their partnership during the official launch of Sparklo’s reverse …

Dead body, feet

Sa San Ildefonso, Bulacan
Kargador natagpuang patay sa by-pass road

WALA nang buhay nang matagpuan ang isang manggagawa sa gilid ng bypass road sa bayan …

Police line do not cross

Sa Nueva Ecija
Bangkay ng mag-asawa itinapon sa irigasyon

NATAGPUAN ang mga labi ng matandang mag-asawa na halos limang araw nang nawawala na nakasilid …