Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

‘Colorful’ talaga si President Digong Duterte

HINDI na ‘little brown man’ ang tawag ngayon ng mga Kano sa ating mga Pinoy…

Kahapon, tinawag na “colorful guy” ni US President Barack Obama si Presidente Digong Duterte.

Binansagan ni Obama si Duterte na “colourful guy” nang tanungin sa isang press conference sa G20 Summit kung itutuloy pa ba niya ang pakikipagkita at pakikipag-usap sa Presidente ng Filipinas.

Pagkatapos noon napabalita na ikinansela na ni Obama ang kanyang pakikipagpulong kay Duterte.

Hindi natin alam kung umurong ba ang bayag ni Obama dahil natantiya niyang hindi siya sasantohin ni Duterte?

Mantakin n’yo naman, ang daming naging presidente ng Filipinas pero tanging si Digong lang ang nagsalita at nagsabing hindi na tayo kolonya ng Amerika.

‘Yung iba kasi kulang na lang luhuran si Uncle Sam sa kasusunod sa kagustuhan nila sa ating bansa?!

At bakit hindi magawa ‘yan ng mga Amerikano sa ibang bansa sa Asya?

Parang ang dami naming narinig na nagsisisigaw at nag-yahoo, yahoo nang upak-upakan ni Digong si Obama.

‘Yan ay nag-ugat doon sa sinasabing lelektyuran daw ni Obama si Duterte tungkol sa extrajudicial killings.

Aba ‘e di umusok ang ilong ng Digong.

Marahil nadala na rin sa kanyang emosyon si Pangulong Duterte ‘e alam naman natin na ayaw na ayaw niya na may umeepal sa kanyang laban sa ilegal na droga sa ating bansa.

090716 duterte ASEAN
NAKIPAGKAPIT-KAMAY ang bukod-tanging nakasuot ng Barong Tagalog na si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte at iba pang heads of states sa opening ceremony ng ASEAN Summit sa National Convention Center sa Vientiane, Laos, kahapon. ( PPD )

Sino nga naman si Obama para mag-lecture tungkol sa human rights violations ‘e samantalang nakatala sa kasaysayan ang walang habas na paglapastangan ng Amerika sa karapatang pantao ng mga mamamayan sa Palestine (Israel), Iraq, Syria, at iba pang bansa na biktima ng kagahamanan nila sa kapangyarihan.

Muli rin nabuhay sa alaala ang ginawang massacre ng Kano sa mga Moro noong 1906.

Hindi kukulangin sa 600,000 Moro na ki-nabibilangan ng mga babae at bata ang pinaslang at mismong ang US Congress ay na-pahiya sa ginawang ito ng US Army.

Alalahanin natin na ang ating Pangulo ay mula sa lahi ng mga Tausog at Maranao. Hindi rin siya mangmang para hindi niya aralin at limutin ang kasaysayan ng Mindanao.

Huwag din natin kalimutan na ang mga naunang presidente lalo na kapag bagong upo, ang unang ginagawa ay magmano agad kay “Uncle Sam.”

Pero hindi si Digong.

‘Yung iba ngang Presidente halos himurin pa ang wetpaks ng US of A.

At bawat desisyon para sa national policy lalo sa ekonomiya, kung hindi ginagaya ay hinihintay pa ang basbas ng presidente ng Amerika.

E ano ba ang napapala natin sa Amerika?

Lumang barko, kakarag-karag na helicopter, at iba pang kagamitang pang-giyera na lumang-luma na.

Klaro kay Pangulong Duterte na hindi mabuting kaibigan si Uncle Sam lalo’t binu-bully-bully at kinakaya-kaya lang nila ang ating bansa na sa maraming panahon ay may mga dungo at uto-utong naging presidente.

Hindi uubra ‘yan kay Digong.

“Deeply regrets,” ‘yan lang ang sagot ni Digong sa pagkakansela ni Obama sa meeting nila… ‘Yun lang at wala siyang balak na mangayupapa para matuloy lang ang pulong nila.

‘Yan po si Tatay Digong!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN – Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *