Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman

Batang sexy star expert sa paggamit ng contraceptive pills (Ayaw pabuntis sa dyowa)

MAGANDA ang career ngayon ng sexy comedienne na nakakontrata sa isang malaking TV network at may movie pa katambal ang controversial na Kapamilya comedian na involved noon sa isang malaking eskandalo na muntik nang ikasawi ng buhay.

Well dahil blooming ang karera, siyempre maingat si batang sexy star sa pakikipagtsugian sa

kanyang semi live-in papa na isa sa benefactor niya. Madalas magbabad sa condo ng kanyang dyowa ang flawless na hubadera at ang paraan niya para hindi siya mabuntis ay nagbabaon siya lagi ng contraceptive pills at lagi siyang handa dahil ayaw nga niyang madisgrasya siya ng kanyang mga nakaka-sex.

At kalokah, kinse anyos pa lang daw noon si sexy comedienne ay eksperto na sa pag-inom ng contraceptive pills. Guess what? Ang lola raw niya ang nagturo sa kanya kung paano ito gamitin.

Gamit na gamit na gyud!

Fans nagbunyi sa pagbabalik ni Paolo Ballesteros sa Eat Bulaga lola playlist ibinalik

Last Monday, na-surprise ang lahat sa biglang paglabas ni Paolo Ballesteros sa Eat Bulaga.

Although expected na ang pagbabalik ni Paolo sa longest-running and number one noontime show dahil nabanggit na ito nina Lola Nidora (Wally Bayola) at Tinidora (Jose Manalo) sa KalyeSerye ay marami pa rin ang nagulat sa pag-apir ni Lola Tidora sa show.

Pero siyempre lahat ng fans ni Paolo ay nagbunyi lalo’t regular na uli nilang mapanonood

ang idol nila sa Bulaga na anim na buwan rin nilang hindi nasilayan.

At mukhang taon ni Paolo ang 2016 dahil dalawang pelikula niya ang nakatakdang ipalabas this year, ang “Die Beautiful” at “Bakit Lahat Ng Gwapo May Boyfriend.”

Pinag-uusapan ang movie nilang ito nina Anne Curtis at Dennis Trillo na humamig na ng more than 3 million likers ang trailer sa Youtube.

Samantala, tuwang-tuwa ang ating mga lola at lolo dahil ibinalik ng Eat Bulaga simula noong Lunes ang kanilang hit na segment na “Lola Playlist.”

This time ay ginawa nilang Lola’s Playlist: Beat The Champion.

Haharapin ng mga contestant na kakanta ng old song ang hinirang na Grand winner na si Francis Aglabtin.

Very exciting ito gyud!

Sam at Kevin magkatuluyan kaya?
CATHY ILALANTAD ANG KATOTOHANAN
SA HULING DALAWANG LINGGO NG “BORN FOR YOU”

Mataas ang rating ng “Born For You,” nina Elmo Magalona at Janella Salvador sa Metro na humamig ng 20.5% noong September 2.

Samantala sa Kantar Media National TV Ratings ay pumalo naman ang nasabing musical-drama television series ng 16.8%. Tinalo nito ang katapat na show.

At sa huling dalawang Linggo ng Born For You ay masasaksihan ninyo ang palabang si Cathy (Vina Morales). Ipaglalaban niya ang karapatan na pag-aari ng nasirang mister na si Buddy (Bernard Palanca) ang komposisyon ng awiting Born For You, na inagaw at inangkin ni Marge (Ayen Munji-Laurel). Magiging kakampi rito ni Cathy ang ex-husband ni Marge na si Mike (Ariel Rivera).

Sa komplikadong situwasyon ng pamilya ni Kevin (Elmo Magalona) at Sam (Janella Salvador) magkakatuluyan pa ba ang dalawa o tuluyan nang mabubuwag ang tambalan ng dalawa.

Mapapanood ang Born For You, sa ilalim ng direksyon nina Ona Diaz at Jon Villarin sa ABS-CBN Primetime Bida pagkatapos ng Till I Met You, ang kilig serye nina James Reid at Nadine Lustre kasama si JC Santos na hit na hit ngayon sa primetime.

VONGGANG CHIKA! – Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …