Aries (April 18-May 13) Ang bolder action ang maaaring kailangan upang makuha ang atensiyon ng isang tao.
Taurus (May 13-June 21) May paraan ka upang malagpasan ang mga panunuya ng ilang mga kasama habang ikaw ay nakatalikod.
Gemini (June 21-July 20) Nais ng isang bagong kaibigan na maging mas malalim pa ang inyong ugnayan, nais niyang maging iyong real confidante.
Cancer (July 20-Aug. 10) Sa pagsasakto ng mga bagay, makatutulong ito sa pagtitipid.
Leo (Aug. 10-Sept. 16) Mainam ang panahon ngayon sa pakikipag-compromise: hindi kayo magkakasundo ng iyong mga kaibigan sa pupuntahang gimikan.
Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Ang pinakapangit na magagawa mo ngayon ay ang pilitin ang sariling gawin ang mga bagay na hindi mo gusto.
Libra (Oct. 30-Nov. 23) Tama lamang na ihayag mo ang iyong mga opinyon, seryoso man ito o hindi.
Scorpio (Nov. 23-29) May sapat kang talino upang mabatid ang ano mang bagay: kung ito man ay too good to be true, maaaring ganito nga ito.
Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Positibo ang enerhiya sa iyong paligid ngayon, at pinoprotektahan ka nito sa ano mang masamang enerhiya.
Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Makinig sa sinasabi ng iyong isip na naghihikayat sa iyong magpursige sa iyong nais na makamit.
Aquarius (Feb. 16-March 11) Hindi magiging mainam ngayon ang pakikilahok sa social groups.
Pisces (March 11-April 18) Maging bukas at huwag maging mapanghusga. Mayroong iba’t ibang opinyon ang mga tao na maaaring hindi katulad ng sa iyo.
Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Tingnan kung mai-inspire mo ang iba sa iyong righteous energy, maaaring mas mahirap ngayon kaysa dati, ngunit sino man ang iyong mahikayat ay tiyak na liliwanag ang isipan.
ni Lady Dee